Posibleng makatanggap ng humigit-kumulang $55,000 - $65,000 ang mga equity na negosyo.
Alamin kung kwalipikado kayo
Para maging kwalipikado para sa mga gawad, natutugunan dapat ng mga aplikante ang mga sumusunod na pamantayan sa pagkakwalipikado, na ginamit ng OOC alinsunod sa Cannabis Oversight Committee:
- Ang aplikante ng equity ay dapat may aplikasyon sa Cannabis Business Permit na naisumite sa OOC nang walang mga nakaka-disqualify na salik (kung saan kasama ang ngunit hindi limitado sa pagbawi, pag-iwan, at hindi pagiging kwalipikado ng aplikante);
- Mayroon dapat ang aplikante ng equity ng hindi bababa sa 51% ng kanyang aplikasyon sa Cannabis Business Permit;
- Ang aplikasyon ng aplikante sa Cannabis Business Permit ay dapat pormal na nai-refer sa Planning Department nang hindi lalampas sa Disyembre 17, 2021;
Dapat gamitin ang mga ibibigay na gawad upang suportahan ang aplikasyon sa Cannabis Business Permit na tumutugon sa mga nakasaad na pamantayan. Maglalabas ang OOC ng paunawa sa gawad sa mga kwalipikadong aplikante. Iaatas naman ang mga aplikante na bigyang-alam ang OOC nang hindi lalampas sa Abril 1, 2022 tungkol sa kanilang intensyong magpatuloy.
Ihanda ang inyong mga dokumento
Posibleng kailanganin ninyo ang sumusunod na insurance kung nagpapatakbo kayo ng negosyo
- Insurance sa Pangunahing Pananagutan
- Insurance sa sasakyan, kung naaangkop
- Kompensasyon ng Mga Manggagawa, kung mayroon kayong mga empleyado
- Insurance sa pananagutan sa produkto, kung naaangkop
Matuto tungkol sa grant at magpadala ng mga tanong
Ang bulletin ng Mga Gawad sa Cannabis ay available dito. Kasama sa bulletin ang impormasyon tungkol sa pagkakwalipikado, mga kinakailangan sa dokumentasyon, at mga kategorya ng mga kwalipikadong gastos.
Mag-email sa cannabisgrants@sfgov.org ng anumang tanong tungkol sa proseso ng paggawad.
Kailangan ng tulong? Ang mga aplikante ng equity ay kwalipikado para sa libreng teknikal na tulong.
I-claim ang reimbursement
Ang mga kwalipikadong aplikante ay makakatanggap ng impormasyon kung paano i-claim ang kanilang pondo sa gawad kapag nilagdaan nila ang kanilang kasunduan sa gawad.
Kabilang sa mga kategorya ng kwalipikadong gastos ang:
- Upa
- Panregulatoryong pagsunod
- Legal na tulong
- Lokal at pang-estadong aplikasyon, paglilisensya, at mga panregulatoryong bayarin
- Pagsusuri ng cannabis
- Muwebles
- Mga fixture at kagamitan
- Mga pangunahing pagpapahusay
- Mga bayarin sa pagbabangko at escrow
- Mga serbisyo sa accounting
- Packaging at materyales
- Marketing at advertising
- Pananagutan sa buwis ng negosyong cannabis
Makatanggap ng reimbursement mula sa Lungsod
Itabi ang inyong mga talaan. Posibleng mag-follow up kami para matiyak na nagamit nang naaangkop ang mga pondo.
Posibleng sumailalim sa mga lokal, pang-estado, at pederal na buwis ang mga ibibigay na gawad. Lubos na hinihikayat ng OOC ang mga ginagawaran na kumonsulta sa mga propesyunal sa buwis. Available ang libreng teknikal na tulong nang walang singil.
Last updated February 2, 2023