Step by step

Timeline ng Paglipat ng Permit sa Shared Spaces

Unti-unting magkakaroon ng bisa ang mga panuntunan para sa Shared Spaces.

Ang programa ng Shared Spaces noong may pandemya. Nagbigay ito ng paraan para makapagpatakbo nang outdoor ang mga negosyo sa kapitbahayan at grupo ng komunidad.

Binibigyang-buhay ng Programa ang mga sidewalk, curbside na parking lane, buong kalsada, at bakanteng lote. Naging modelo ito para sa pagpapaganda sa kapakanang pang-ekonomiya, panlipunan, at pangsibika.

Sa 2023, makukumpleto ng Shared Spaces ang paglipat nito mula sa isang pang-emergency na lifeline papunta sa isang permanenteng programa.

1

Simula Agosto 28, 2021

Mga panuntunan simula sa phase na ito:

  • Disenyo para sa mga taong may kapansanan: Kabilang ang walang harang na daanan sa mga sidewalk. Gumamit ng mga sidewalk diverter at maglagay ng kahit isang mesang kakainan para sa mga gumagamit ng wheelchair.

  • Disenyo para sa mga tauhan sa pagtugon sa emergency: Kabilang ang awang na tatlong talampakan ang lapad kada 20 talampakan. Bukod pa rito, ang pag-aalis ng mga bahagi ng mga bubong na nagpapahirap sa mga team sa pagresponde na kumilos.

Maaaring kailanganing i-resize, ilipat, o alisin ang ilang parklet. Kung ganito ang kaso sa iyong site, may makikipag-ugnayan sa iyo bago ito mangyari:

  • Pagbubukas ng Mga Boarding Area ng Mga Pampublikong Sasakyan: Pag-aalis ng Shared Spaces sa mga hintuan ng mga pampublikong sasakyan.

Magpakita ng higit pa
2

Simula Spring 2022

Bisibilidad sa Mga Mapaminsalang Intersection

Maaaring kailanganing i-resize, ilipat, o alisin ang ilang parklet na malapit sa mga intersection.

Nakakatulong ito sa mga naglalakad, nagbibisikleta, at nagmamaneho na makita ang isa't isa, ang mga karatula, at mga signal ng trapiko. Kung ganito ang sitwasyon sa iyong site, may makikipag-ugnayan sa iyo bago ito mangyari.

Magpakita ng higit pa
3

Hunyo 30, 2022

Pinatagal ang Mga Pandemic Permit

Nag-expire ang mga kasalukuyang Permit Kaugnay ng Pandemya noong Hunyo 30, 2022. Kabilang dito ang:

  • Mga mesa at upuan sa sidewalk
  • Pagtitinda sa sidewalk
  • Mga parklet
  • Mga Kalsada
  • Mga pribadong lote

Ang mga valid na permit kaugnay ng pandemya na may magandang katayuan ay papalawigin hanggang Marso 31, 2023. Maaaring i-hold ang ilang permit kung hindi aayusin ang mga isyu sa ADA, pang-emerhensiya na access, at kaligtasan ng mga naglalakad. Hindi pinapalawig ang Mga Permit (Pansamantalang Pagsasara ng Kalye) sa Kalsada. Upang magpatupad ng Pansamantalang Pagsasara ng Kalye sa Kalsada sa o pagkatapos ng Hulyo 1, 2022, magsumite ng aplikasyon para mag-renew.

Magpakita ng higit pa
4

Setyembre 1, 2022

Muling Pagbubukas ng Mga Aplikasyon sa Pagbibigay ng Equity

Maaari kang makakuha ng reimbursement na hanggang $2,500 para idisenyo ng iyong Shared Spaces ang iyong Shared Spaces habang isinasaalang-alang ang ADA at mga alituntunin sa kaligtasan.

Maaari kang gumamit ng mga grant para sa mga materyales o propesyonal na serbisyo. Dapat mong kumpletuhin ang trabaho at makuha ang iyong isinabatas na permit sa Shared Spaces bago ka namin bayaran. Tumatanggap kami ng mga aplikasyon hanggang Marso 1, 2023.

Step-by-step na proseso ng aplikasyon dito

Magpakita ng higit pa
5

Fall 2022

Nagsimula ang Mga Payo sa Pagsunod & Pag-abiso sa Pagsunod

Posibleng malaman mo mula sa Lungsod ang mga paraan upang gawing ligtas at madaling ma-access ang iyong Shared Spaces para sa pandemya.

  • Payo sa Pagsunod sa iyong email. Ibubuod nito ang lahat ng isyu sa disenyo at pagkakapuwesto sa iyong site na napansin ng Lungsod sa ngayon. Ililista nito ang mga karaniwang deadline sa pag-aayos ng iba't ibang uri ng isyu.
  • Cover Sheet para sa Pagpapatupad & Pagsunod sa personal o sa iyong email. Katulad ito ng Payo sa Pagsunod pero may kasamang mga hindi magbabagong deadline. Magiging bahagi ito ng packet na may kasamang:
  • Abiso ng Pagwawasto o Abiso ng Paglabag mula sa Public Works. Mayroon itong mahihigpit na deadline at bayarin kung hindi ka sasagot sa mga naunang komunikasyon.
  • Abiso sa Paglabag mula sa Departamento ng Bumbero ng San Francisco. Mayroon itong mahihigpit na deadline at bayarin kung hindi ka sasagot sa mga naunang komunikasyon.
Magpakita ng higit pa
6

Marso 31, 2023

Mga Aplikasyong Isusumite para sa mga permit pagkatapos ng pandemya.

May isinabatas na permit dapat ang mga negosyo upang makapagpatakbo pagkatapos magwakas ng pang-pandemyang programa.

Upang makakuha ng isinabatas na permit sa parklet ng Shared Spaces, dapat mong gawin ang mga sumusunod:

  • Plano ng site: Kakailanganin mong magsumite ng plano ng site na nagpapakitang ligtas at madaling ma-access ayon sa ADA ang iyong parklet.
  • Pahintulot ng kapitbahay: Posibleng mangailangan ka ng nakasulat na pahintulot mula sa iyong mga kapitbahay, kung lampas kalahati ng paradahan na espasyo para sa isang parklet ang nasa tapat ng kapitbahay.
  • Pagsusuri: Kapag natanggap na namin ang iyong nakumpletong aplikasyon, susuriin namin ito at magbibigay kami ng feedback tungkol sa mga kinakailangang pagbabago, sa loob ng 30 araw.
  • Paunang inspeksyon: Kapag naaprubahan namin ang iyong aplikasyon at plano ng site, bibisitahin namin ang iyong site para sa inspeksyon.
  • Mga kinakailangan sa pag-aabiso sa publiko: Kakailanganin mong magpaskil ng 10 araw na pampublikong abiso sa ipinapanukalang site. Matatanggap mo ang abiso para sa pagpapaskil matapos makumpleto ang isang paunang inspeksyon.
  • Konstruksyon: Mayroon kang 60 araw mula sa pagtatapos ng panahon ng pag-abiso sa publiko upang:
    • Gumawa ng mga pagbabago sa iyong kasalukuyang gusali
    • Maglagay ng bagong gusali
    • Dapat tumugma ang iyong gusali sa iyong inaprubahang plano ng site
  • Huling pagbisita sa site: Kapag nakumpleto na ang konstruksyon, dapat mong abisuhan ang Departamento ng Public Works sa loob ng 15 araw. Mag-iiskedyul sila ng huling pagbisita sa site upang i-verify na sumusunod ang iyong Shared Space.
  • Mga permit at karatula: Kapag sumusunod na ang iyong Shared Space, ibibigay ng Public Works ang iyong permit at karatula sa site.

Mag-apply para sa isang permit para sa iyong sidewalk o parking lane

Mag-apply para sa paggamit ng kalsada

Magpakita ng higit pa
7

Simula Abril 1, 2023

Magwawakas ang Pang-pandemyang Programa ng Shared Spaces at ang isinabatas na Programa ng Shared Spaces ay magsisimula.

Maaaring kailanganing i-resize, ilipat, o alisin ang ilang parklet. Kung ganito ang sitwasyon sa iyong site, may makikipag-ugnayan sa iyo bago ito mangyari.

  • Pagbabalik ng may kulay na curb: Tinitiyak na may sapat na espasyo sa block, kabilang ang:
    • May kapansanan
    • Pasahero
    • Komersyal na pag-load
  • Maximum na 2 paradahan na espasyo: Nagbibigay-daan sa mas maraming mangangalakal na magkaroon ng pagkakataong magpatakbo ng parklet. Isasaalang-alang namin ang mga pagbubukod depende sa sitwasyon.

Dapat sundin ng mga parklet ang mga panuntunang ito ng isinabatas na programa sa o pagkatapos ng Abril 1, 2023:

  • Mga pampublikong bench: Ang lahat ng parklet ay dapat may lugar na uupuan na bukas sa publiko, na isinasaad ng karatula.
  • 3 talampakang setback: Ang lahat ng gusali sa parklet ay dapat naka-set back mula sa dulo ng minarkahang paradahan na espasyo. Nagbibigay-daan ito sa access para sa mga tumutugon sa emergency. Hindi kinakailangan ang setback kapag katabi ng paradahan na espasyo ang isang pulang curb.

Magsisimulang makatanggap ng mga barikada at palatandaan mula sa Lungsod ang mga pagsasara ng Kalye sa Kalsada. Hindi mo na kailangang kunin ang mga item na ito nang mag-isa.

Magpakita ng higit pa
at

Simula Abril 1, 2023

Nagsimula ang 180 Araw na Panahon ng Palugit

Noong Pebrero 2023, nagpasa ang San Francisco ng bagong batas upang gumawa ng panahon ng palugit para sa mga parklet operator noong pandemya. Magkakaroon sila ng 180 araw upang lumipat sa programa pagkatapos ng pandemya. Kung isa kang Parklet operator noong pandemya, mayroon kang hanggang Setyembre 27, 2023 upang:

  • I-update ang iyong Shared Spaces upang matugunan ang mga kinakailangan sa disenyo
  • Makatanggap ng huling inspeksyon sa site at makakuha ng isinabatas na permit
  • Panatilihin ang iyong mga parklet sa grace period. Pero dapat kang magsumite ng aplikasyon para sa permit bago sumapit ang Marso 31, 2023 at dapat mong ipakitang may pag-usad ka sa pagsunod.

Ang pag-usad ay nangangahulugang:

  • Nagsumite ka ng aplikasyon para sa permit
  • Sumasagot ka kaagad sa mga tanong tungkol sa iyong aplikasyon. Maaaring kabilang dito ang:
    • Baguhin ang iyong mga plano ng site upang sumunod sa Mga Alituntunin sa Disenyo ng Shared Spaces
    • Ibigay ang iba pang kinakailangang dokumento o impormasyon
    • May pag-usad ka sa mga pag-aayos para sa accessibility at kaligtasan
Magpakita ng higit pa
at

Sisimulang suriin ang mga bayad sa permit

Kung makakakuha ka ng permit pagkatapos ng pandemya, makakatanggap ka ng bill para sa permit at mga bayarin sa lisensya sa negosyo sa Unified License Bill sa Q1 2024.

Magpakita ng higit pa
8

Mayo 30, 2023

Dapat mong alisin ang iyong Shared Spaces para sa Pandemya kung hindi ka nagsumite ng aplikasyon para sa permit pagkatapos ng pandemya bago sumapit ang Marso 31, 2023. Iyon ang pagtatapos ng pang-pandemyang programa. Sa Mayo 30, 2023 matatapos ang 60 araw na wind down period kasunod ng programang permit kaugnay ng pandemya. Maaari kang makatanggap ng mga parusa kung hindi mo maaalis ang iyong ilegal na Shared Space

Magpakita ng higit pa
9

June 28, 2023

On June 28, 2023 the Board of Supervisors unanimously passed legislation to waive permit fees for all parklet permits approved before July 1, 2024.  The Board also voted to expand eligibility for fee waivers. Businesses whose gross receipts are less than $2.5 mill now qualify for a 50% fee reduction. The fee reduction applies to annual license fees. Please find the passed legislation here

Magpakita ng higit pa
10

September 27, 2023

The grace period for pandemic permit holders ended September 27th. All permit holders transitioning to post-pandemic program must have complete applications, updating their Shared Spaces to meet design requirements within 60-days of city approving application, and then pass a city inspection to get  a new permit.

Magpakita ng higit pa

Last updated May 30, 2023

Kagawaran