Step by step

Maging Supplier ng Lungsod

Ang mga Negosyo na mga Supplier ay puwedeng mag-apply at makatanggap ng ilang grant at kontrata sa Lungsod.

1

Magkaroon ng kasalukuyang rehistro ng negosyo

Siguraduhin na mayroon kang kasalukuyang Sertipiko ng Pagpaparehistro ng Negosyo mula sa Treasurer at Tax Collector ng San Francisco. Kung wala ka nito, magparehistro dito.

Magpakita ng higit pa
2

Magsagot ng form W9

Time:

5 minuto

Magsagot ng IRS form W9 para sa iyong negosyo.

Iwasan ang madalas na pagkakamali:

  • Linya 1 (Pangalan): isulat ang opisyal na pangalan ng iyong negosyo na EKSAKTONG nakarehistro sa Treasurer at Tax Collector ng San Francisco.
  • Linya 2 (Pangalan ng Negosyo): isulat ang hindi totoong pangalan ng iyong negosyo, kung naaangkop, na EKSAKTONG nakarehistro sa County Clerk.
  • Bahagi 1 (Taxpayer ID): Ilagay ang ALINMAN SA Social Security Number o Employer Identification Number, alinman ang nauugnay sa negosyo, HINDI PAREHO.
  • Pumirma at maglagay ng petsa sa digital na paraan kunan ng litrato/i-scan ang naka-print at pinirmahang kopya. Kakailanganin mo itong i-upload sa ibang pagkakataon.
Magpakita ng higit pa
3

Magparehistro bilang Bidder

Time:

15 minuto

Sagutan ang online na form para magparehistro bilang Bidder

Mga Tip:

  • Kung ikaw ay isang Legacy na Negosyo o magiging Supplier para makatanggap ng grant o magbigay ng mga produkto o serbisyo sa isang departamento ng Lungsod, piliin ang "Nagbebenta ng mga Produkto/Serbisyo" o "Pareho"
  • Ang "Hinihiling na User ID" ay kung ano ang gusto mong maging iyong user ID
  • Opsyonal ang DUNS
  • Huwag gumamit ng Internet Explorer
Magpakita ng higit pa
4

Tingnan ang iyong email

Time:

Ilang minuto

Sa loob ng ilang minuto, dapat kang makatanggap ng email mula sa SF City Partner na may numero ng Bidder ID.

Magpakita ng higit pa
5

Ikonekta ang iyong bagong Bidder ID sa Business Account Number (BAN) mo

Time:

Ilang minuto
  1. Ilagay ang iyong 7-digit na Business Account Number dito. Makikita mo ito sa iyong Sertipiko ng Pagpaparehistro ng Negosyo.
  2. I-click ang "Validate (I-validate)." Dapat lumabas ang pangalan ng iyong negosyo.
  3. I-click ang "Continue (Magpatuloy)"
  4. Ilagay ang lahat ng impormasyon, kasama ang Bidder ID nang dalawang beses.
  5. I-click ang "Submit (Isumite)"
Magpakita ng higit pa
at

Makatanggap ng Supplier ID mula sa Opisina ng Controller

Time:

Ilang araw

Ang Opisina ng Controller ay magpapadala sa iyo ng Supplier ID sa pamamagitan ng email pagkatapos nilang masuri ang iyong impormasyon. Malamang na aabutin ito nang ilang araw.

Magpakita ng higit pa
at

For businesses receiving a Legacy Business Stabilization Grant

You are done here and do not need to complete Step 6. 

All other businesses must proceed to Step 6.

Magpakita ng higit pa
6

Ipakitang nakakasunod ang iyong negosyo sa Equal Benefits Ordinance (Ordinansa sa Pantay-pantay na Mga Benepisyo)

Time:

Ilang minuto hanggang ilang linggo

Para makasunod, kailangang ibigay ng iyong negosyo ang mga parehong benepisyo sa lahat ng empleyado mo. Ganito rin para sa mga empleyadong nasa mga domestic partnership at kasal na magkapareho ng kasarian at magkaiba ng kasarian. Kailangan mo itong isama sa iyong mga patakaran para sa mga empleyado bago kumpirmahin ng Lungsod na nakakasunod ka. Magbasa ng detalyadong impormasyon dito.

Masusing sinusuri ng Contract Monitoring Division ang mga materyales at makikipagtulungan sila sa iyo sa buong proseso. Magkakaiba ang bawat negosyo at ang ilan ay posibleng kailangang gumawa ng mga bagong patakaran mula umpisa. Dahil dito, puwedeng abutin ang proseso nang isang araw hanggang ilang linggo.

  1. Maghanda ng 2 dokumentong ia-upload:
    1. Memorandum para sa Empleyado (template)
    2. Bilang ng mga empleyado. Kasama sa mga halimbawa ng mga nakakasunod na dokumento ang Form W-3, Form 941, o DE 9C form. Alisin ang kumpidensyal na impormasyon ng empleyado.
  2. Mag-log in sa SF City Partner
  3. I-click ang "Certifications (Mga Sertipikasyon)" sa kanan
  4. I-click ang "12B Declaration (Deklarasyong 12B)"
  5. Sagutan ang form
    1. I-click ang tab na: "Add A New Value (Magdagdag ng Bagong Value)"
    2. Sa page para sa paghahanap, siguraduhing nakatakda ang field na SetID sa "SHARE (IBAHAGI)"
    3. Kung hindi awtomatikong lumalabas ang Supplier ID o Bidder ID kapag naghahanap, ilagay ang numero
    4. Sa ilalim ng Declaration Type (Uri ng Deklarasyon), piliin ang Bidder o Supplier (kung mayroon ka nang Supplier ID, piliin ang Supplier, kung wala, piliin ang Bidder)
    5. I-click ang "Add (Magdagdag)"
    6. Sundin ang mga prompt, kasama ang pag-upload ng iyong 2 dokumento
  6. I-click ang "Submit (Isumite)"
  7. I-save o i-print ang iyong Numero ng Deklarasyon para sa mga talaan mo

Sumangguni sa gabay na ito para sa higit pang detalye tungkol sa hakbang na ito.

Para sa mga tanong tungkol sa hakbang na ito, makipag-ugnayan sa CMD.EqualBenefits@sfgov.org

Magpakita ng higit pa
at

Makatanggap ng kumpirmasyon ng Pagsunod sa 12B

Time:

Ilang araw

Papadalhan ka ng Contract Monitoring Division ng PDF Notification tungkol sa Pagsunod sa 12B sa email pagkatapos nilang makumpirma na nakakasunod ang iyong impormasyon. Malamang na aabutin ito nang ilang araw.

Magpakita ng higit pa

Last updated July 12, 2024