Anong gagawin
Ang isang tumatahol na aso ay isang asong tumatahol, umaalulong, umiiyak, umuungol, o gumagawa ng iba pang ingay nang tuloy-tuloy sa loob ng 10 minuto o mas matagal.
1. Alamin kung bakit kayo nakatanggap ng liham ng babala
Nakatanggap kayo ng liham ng babala dahil may tumawag sa 311 upang mag-ulat ng tumatahol na aso at nagbigay ng inyong address bilang pinagmulan ng ingay.
Mag-iisyu ang ACC (Animal Care and Control) at SFPD (San Francisco Police Department) ng liham ng babala sa iniulat na address para sa unang 2 reklamo. Kapag naiulat ang isang aso, gagawa ang 311 ng rekord ng reklamo.
2. Magsagawa ng mga hakbang upang pigilan ang pagtahol ng inyong aso
Maaaring may ilang dahilan kung bakit tumatahol ang inyong aso. Maaaring kasama rito ang pananakit, pagkabagot, kalungkutan, o pagkabalisa sa paghihiwalay, bukod sa marami pang ibang dahilan.
3. Alamin kung ano ang maaaring mangyari kung hindi matutugunan ang mga paglabag
Kung lumabag ka sa Seksyon 41 ng Kodigo sa Kalusugan ng San Francisco, maaari kang:
- Makatanggap ng citation at maharap sa mga multa.
- At, depende sa bilang at kalubhaan ng mga paglabag, magkasala sa maliit na krimen o pagsuway. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Seksyon 41.13–Mga Parusa ng Kodigo sa Kalusugan.
4. Tumugon sa isang liham ng babala na natanggap ninyo
Kung naniniwala kayong hindi ninyo dapat natanggap ang liham na ito, wala kayong anumang kailangang gawin.
Ngunit kung 2 o higit pa sa inyong mga kapitbahay ang mag-uulat sa inyong lokal na istasyon ng pulisya, maaaring makipag-ugnayan sa inyo ang Departamento ng Pulisya upang mag-imbestiga at posibleng mag-isyu ng citation. Maaari ninyong ipaliwanag o talakayin ang sitwasyon sa Pulisya sa panahong iyon.
Mga madalas itanong
Mga madalas itanong
Ano ang mangyayari kung makatanggap ako ng liham ng babala ngunit wala akong aso o sa tingin ko ay hindi sa akin ang asong tumatahol?
Nauunawaan namin ang inyong alalahanin tungkol sa liham ng babala na natanggap ninyo, at humihingi kami ng paumanhin para sa anumang pagkalito. Nakatanggap kayo ng liham ng babala dahil ibinigay ang inyong address sa 311 ng (mga) indibidwal na nag-ulat ng isyu sa tumatahol na aso. Tandaang wala nang kinakailangan sa inyo sa ngayon. Kung 2 o higit pa sa inyong mga kapitbahay ang magpasyang iulat ito sa inyong lokal na istasyon ng pulisya upang hilingin ang pag-iisyu ng citation, magkakaroon kayo ng pagkakataong ipaliwanag ang mga sitwasyon sa Departamento ng Pulisya sa panahong iyon.
Humingi ng tulong
Phone
Last updated June 8, 2023