Mag-ulat ng tumatahol na aso

Mag-ulat ng asong nagdudulot ng pagkagambala sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagtahol, pag-ungol, pag-iyak, o pag-alulong.

Anong gagawin

Ang isang tumatahol na aso ay isang asong tumatahol, umaalulong, umiiyak, umuungol, o gumagawa ng iba pang ingay nang tuloy-tuloy sa loob ng 10 minuto o mas matagal.

1. Suriin ang "tumatahol na aso" sa Kodigo sa Kalusugan ng San Francisco

Kung may "tumatahol na aso" ang isang tao, maaaring lumalabag siya sa Seksyon 41 ng Kodigo sa Kalusugan ng San Francisco.

Hindi ito nalalapat kung ang aso ay:

  • Tumatahol dahil may pumapasok sa bahay (trespass) o nananakot na pumasok sa bahay (trespass)
  • Inaasar o inuudyok

2. Ihanda ang impormasyon

Para sa lahat ng reklamo, hihingin namin sa inyo:

  • Ang address ng bahay, negosyo, o ari-arian kung nasaan ang tumatahol na aso
  • Ang inyong pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, upang makapag-follow up ang 311 sa inyo kung kinakailangan

Hindi magsasagawa ng pagkilos ang Lungsod kung hindi ninyo maibibigay ang address kung saan matatagpuan ang aso.

3. Tumawag sa 311 upang mag-ulat ng tumatahol na aso

311, Sentro ng Serbisyong Pampubliko

311

Pagkatapos ninyong mag-ulat ng tumatahol na aso:

  • Gagawa ang 311 ng rekord ng reklamo
  • Mag-iisyu ang ACC (Animal Care and Control) at SFPD (San Francisco Police Department) ng liham ng babala sa may-ari ng address para sa unang 2 reklamo

Kung mayroon pa rin kayong mga isyu sa tumatahol na aso, magagawa ninyong:

  • Abisuhan ang nagpapaupa sa inyo kung kayo ay nasa gusaling marami ang nangungupahan. Para sa tulong, makipag-ugnayan sa Lupon para sa Pagpapaupa sa 415-252-4600 Lunes hanggang Biyernes.
  • Makipag-ugnayan sa Mga Lupon ng Komunidad, na makakatulong sa mga hindi pagkakasundo at isyu sa mga kapitbahay.
  • Bumisita sa inyong lokal na istasyon ng pulisya, kasama ang isang kapitbahay, upang maghain ng ulat ng pulisya. Maaari itong mag-udyok ng pag-iisyu ng citation sa may-ari o tagapag-alaga ng aso. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Seksyon 41.12(e)-Mga Parusa ng Kodigo sa Kalusugan.

Mga madalas itanong

Mga madalas itanong

Bakit hindi maaaring magpadala ng pulis upang matugunan ang aso ng aking kapitbahay?

Nauunawaan namin ang inyong pagkadismaya kaugnay ng tumatahol na aso. Mangyaring maunawaan na nakatuon ang Departamento ng Pulisya ng San Francisco sa mga isyu kaugnay ng pampublikong kaligtasan, at hindi makakapagpadala ang Lungsod ng mga pulis upang matugunan ang mga reklamong nauugnay sa tumatahol na aso nang walang banta sa pampublikong kaligtasan o isyu sa panganib ng hayop.

Umaasa kaming mauunawaan ninyo ang pangangailangan sa pagbibigay-priyoridad sa trabaho ng ating mga pulis sa mga usapin ng pampublikong kaligtasan na may mas mataas na priyoridad. Mangyaring tingnan ang nasa itaas kaugnay ng higit pang opsyong maaaring mayroon kayo upang matugunan ang aso ng inyong kapitbahay.

Kung patuloy kayong hindi sasang-ayon sa patakaran ng Lungsod sa pagbibigay-priyoridad ng mga pulis para sa mga usapin ng mga isyu sa pampublikong kaligtasan na may mas mataas na priyoridad, maaari kayong makipag-ugnayan sa Opisina para sa Mga Serbisyo sa Kapitbahayan ng Mayor sa pamamagitan ng pag-email sa mons@sfgov.org.

 

Paano kung may banta sa pampublikong kalusugan o kaligtasan o sa palagay ko ay nanganganib ang aso at nangangailangan ng agarang pagtugon ang usapin?

Tumawag kaagad sa 911.

 

Sino ang tatawagan ko para sa iba pang isyung nauugnay sa hayop?

  • Para sa mga emergency na nauugnay sa hayop a walang banta mula 6am hanggang hatinggabi, tumawag sa Departamento ng Pagkontrol sa Pangangalaga ng Hayop & (Animal Care Control, ACC) nang direkta sa 415-554-9400. Kung hindi, mangyaring tumawag sa 311 mula hatinggabi hanggang 6am.
  • Para sa pangkalahatang impormasyon, tumawag sa 311 anumang oras o pumunta sa website ng ACC sa www.sfanimalcare.org. O, maaari kayong direktang makipag-ugnayan sa AAC mula 8:30 am hanggang 5 pm sa pamamagitan ng pagtawag sa 415-554-6364.

Humingi ng tulong

Phone

311, Sentro ng Serbisyong Pampubliko

311

Nakabukas ang 311 nang 24 oras sa isang araw, araw-araw.

Last updated June 1, 2023