Data at mga ulat sa COVID-19

Mga dashboard at data tungkol sa COVID-19 virus sa San Francisco, kasama ang mga pagkamatay, bakuna, pagpapa-test, at pagpapaospital.

Ang aming tugon sa coronavirus emergency ay batay sa data, agham, at mga katotohanan. Tinutulungan kami ng data at mga dashboard na makita ang buong larawan ng COVID-19 sa aming komunidad. Sinusubaybayan namin ang mga pagkamatay, mga resulta ng pagsusuri, mga ospital, at pagbabakuna upang masukat ang aming progreso.

Naninindigan tayo sa pagbibigay ng tumpak at maaasahang data sa publiko. Ang impormasyong ito ay mula sa ilang mga kagawaran ng Lungsod at mga kasosyo sa labas. Ang mga tala ng data sa bawat pahina ay nagbibigay ng mga detalye at nagpapaliwanag ng mga limitasyon ng data.

Maraming tao ang nagpapa-test na ng kanilang mga sarili sa bahay para sa COVID-19. Hindi kami nakakakuha ng data para sa pagpapa-test sa bahay. Naaapektuhan nito ang katumpakan ng data sa dami ng pagpapa-test. Ang iba pang dashboard na tumutulong na ipakita ang pagkalat ng COVID-19 ay mga pagkaka-ospital at pagiging positibo sa pagsusuri.

Ang isang tao ay updated kung nakatanggap siya ng kahit isang dosis ng bakunang COVID-19 para sa mga taon na 2023–2024. Alinsunod sa California Department of Public Health, iniuulat lang namin ang bilang ng mga residente ng San Francisco na napapanahon sa kanilang mga COVID-19 na pagbabakuna batay sa mga pamantayang itinatag ng California Department of Public Health.

Data

Mga pagkamatay dahil sa COVID-19 sa San Francisco

Mga pagkamatay dahil sa COVID-19

Mga pagkamatay sa COVID-19 sa San Francisco, kasama ang mga bago at pinagsama-samang kabuuan.

Mga katangian ng populasyon ng COVID-19

Data sa pagkamatay dahil sa COVID-19 sa San Francisco ayon sa demograpiko.

Mga Pagbabakuna

Mga bakuna para sa COVID-19

Alamin ang tungkol sa mga residente ng San Francisco na up to date sa kanilang mga pagbabakuna para sa COVID -19.

Pagsusuri

Pangkalahatang-ideya ng pagsusuri sa COVID-19

Data ng pagsusuri sa COVID-19 sa San Francisco, kasama na ang mga pagsusuring nakuha sa buong lungsod at rate ng pagpositibo sa pagsusuri.

Mga Pagkakaospital

Mga pagkakaospital dahil sa COVID-19

Mga kaso ng COVID-19 na naospital sa mga acute care at intensive care unit sa San Francisco.