Napakahalaga ng pagsusuri sa pagtugon ng Lungsod sa COVID-19. Nagbibigay-daan sa amin ang pagsusuri na tumukoy ng mga kaso ng COVID-19. Tapos, puwede naming simulan ang contact tracing para mapigilan ang pagkalat ng virus. Nakakatulong din sa amin ang pagsusuri na suportahan ang mga residenteng nagpositibo.
Kabuuang mga pagsusuri
Kasama sa data ng pagsusuri ang mga pagsusuring kinuha ng lahat ng medikal na provider. Kasama rito ang mga provider ng Lungsod at mga pribadong provider (tulad ng Kaiser, One Medical, o Sutter).
Ang 7 araw na rolling average ng mga pagsusuri ay ang average ng kabuuang mga pagsusuring nakuha bawat araw at sa nakaraang 6 na araw. Ipinapakita ng average na ito ang trend sa pagsusuri at inaayos nito ang mga pagbabago-bago sa araw-araw.
Pagpositibo sa pagsusuri
Ang rate ng pagpositibo sa pagsusuri ay ang porsyento ng mga pagsusuring nagpositibo sa COVID-19. Ipinapakita ng rate na ito ang pagkalat ng COVID-19 sa San Francisco. Nakakatulong ito sa ating malaman kung sapat na pagsusuri ang naisasagawa.
Ang 7 araw na rolling rate ng pagpositibo sa pagsusuri ay ang running average ng rate ng pagpositibo sa pagsusuri. Ipinapakita nito ang trend sa pagpositibo sa pagsusuri at inaayos nito ang mga pagbabago-bago sa araw-araw.