Anong gagawin
Sabihin sa amin ang nangyari
Kung nasa silungan ka sa San Francisco at may nakita kang hindi ligtas o hindi patas, puwede kang maghain ng reklamo sa Komite sa Pagsubaybay sa Silungan. Kakailanganin mong sabihin sa amin ang:
- Saan nangyari ang problema
- Kailan ito nangyari
- Sino ang sangkot
Hihingin namin ang iyong pangalan at mga detalye sa pakikipag-ugnayan. Hindi mo kailangang ibigay sa amin ang iyong pangalan. Kung ibibigay mo man ang iyong pangalan, maipapaalam namin sa iyo kung ano ang nangyari sa iyong reklamo.
Puwede ka ring maghain ng reklamo sa pamamagitan ng pagtawag, pag-email o pagpunta sa pagpupulong ng komite.
Komite sa Pagsubaybay sa Silungan
Puwede kang mag-ulat ng mga problema tungkol sa mga kundisyon at tauhan ng silungan at sentro ng mapagkukunan. Kung kailangan mo ng reservation o tulong sa pagkuha ng higaan sa silungan, pumunta sa intake center o humingi ng tulong sa pamamagitan ng Gabay sa Serbisyo sa SF.
Pagkatapos mong ihain ang iyong ulat
Pagkatapos mong ihain ang iyong ulat, may 7 araw ang silungan para sumagot.
Kung masisiyahan ka sa sagot ng silungan, doon na matatapos ang proseso.
Kung hindi ka masisiyahan, dapat mo itong ipaalam sa amin sa loob ng 45 araw. Pagkatapos noon ay iimbestigahan namin ang iyong reklamo.
Ang aming imbestigasyon ang magpapasya kung "sumusunod," "hindi matukoy," o "hindi sumusunod" ang silungan. Sasabihin namin ito sa Departamento ng Homelessness (Kawalan ng Tirahan) at Sumusuporta sa Pabahay (HSH). Titiyakin ng HSH na nakakasunod ang silungan sa mga pamantayan ng Lungsod sa pangangalaga.
Ang magagawa namin
Tumatanggap ang Komite sa Pagsubaybay sa Silungan ng mga reklamo mula sa publiko tungkol sa mga kundisyon sa mga panggrupong silungan.
Kami ay:
- Nag-iimbestiga ng mga reklamo sa Pamantayan sa Pangangalaga
- Nagsasagawa ng mga inspeksyon sa site
- Nagsusulat ng mga ulat na may mga rekomendasyon sa Opisina ng Meyor at sa Board of Supervisors
Last updated June 29, 2023