Abisuhan ang inyong mga nangungupahan

Kausapin ang inyong mga nangungupahan tungkol sa inyong layuning mag-apply sa Fix Lead SF.

Anong gagawin

Maghandang abisuhan ang inyong mga nangungupahan

Kunin ang mga dokumentong kakailanganin ninyo para sa pakikipag-usap sa inyong mga nangungupahan.

Maghanda ng mga sapat na kopya para sa master at sinumang subtenant na nasa bawat yunit. (Halimbawa, kung may apat na pamilyang nakatira sa isang yunit ng apartment, kakailanganin ninyong makipag-usap sa apat na pamilya at makakuha ng apat na lagda.)

Kung wala kayong printer, maaari kayong padalhan ng Fix Lead SF ng mga kopya ng mga dokumentong ito. Sabihin sa amin ang mga wika at bilang ng mga kopyang kakailanganin ninyo

I-print ang sumusunod na dalawang dokumento para sa bawat pamilya:

Mag-print ng isang kopya para sa buong gusali:

  • Appendix B: Listahan ng Mga Kalahok na Nangungupahan (available ang mga tagubilin para sa mga may-ari ng ari-arian sa English, Chinese, Filipino, at Spanish)

Abisuhan ang bawat pamilya

  1. Suriin ang dokumentong Abiso at Kasunduan sa Nangungupahan (Appendix A)
  2. Magbigay ng kopya ng booklet na Wastong Pagpapaayos
  3. Hilingin sa isang kinatawan mula sa bawat pamilya na lagdaan ang form (Appendix B)

Sa pamamagitan ng mga lagda ng kasunduan sa Appendix B, handa na kayong magsumite ng packet ng aplikasyon.

Humingi ng tulong

Fix Lead SF

Phone

Last updated April 4, 2023