Mga panukala at argumento sa balota

Sa pamamagitan ng mga panukala sa balota, pinagpapasyahan ng mga botante ng San Francisco ang maraming mga isyu.

Mga Panukala sa Balota

Maaaring kabilang sa mga balota ng San Francisco ang mga panukalang pang-estado, panlokal, o pang-distrito. Ang mga lupon ng pamahalaan ang nagmumungkahi ng karamihan sa mga panukala, ngunit maaari ding magmungkahi ng mga panukala ang mga botante. Maaari ninyong malaman ang tungkol sa prosesong ito sa aming Guide to Initiative Measures (PDF) at Guide to Recalling Local Elected Officials (PDF). Maaari din kayong magpa-iskedyul ng appointment o tumawag sa amin sa 415-554-4375.

Nagbibigay impormasyon ang pahinang ito tungkol sa mga panlokal, pang-distrito, at inisyatibang panukala. Ang Kalihim ng Estado ang nagbibigay impormasyon tungkol sa mga panukala ng estado.

Mangyaring sumangguni sa aming  Kalendaryo ng Panukala sa Balota sa Nobyembre para alamin ang tungkol sa mga timeline ng panukala sa balota para sa Eleksyon sa November 5, 2024.

Itinatakda ng batas ang mga deadline ng pagsusumite ng panukala sa balota. Sa pagbabasa tungkol sa mga panukala sa balota sa ibaba, pakitandaan:

  • Ang Direktor ng mga Eleksyon ang siyang nagpapasya ng titulo at pagtatalaga ng letra.
  • Maaaring magbago pa ang titulo bago pa mabigyan ng letra ang panukala.
  • Kung walang nakalagay sa panukala na impormasyon para sa pakikipag-ugnay, hindi kami pinahintulutan ng may-panukala na ilabas ang impormasyong iyon.
  • Maisasama lamang sa aming listahan ng mga potensyal na panukala ang mga naisumite sa amin sa tamang paraan.

Tingnan ang listahan ng mga kuwalipikadong panukala

Tingnan ang listahan ng mga potensyal na panukala

Ipo-post ang mga potensyal na panukalang-batas pagkasumite sa Departamento ng mga Eleksyon.

Idaragdag pagkatapos ng Hulyo 8, 2024 ang mga kuwalipikadong inisyatibang panukala

Idaragdag pagkatapos ng Agosto 2, 2024 ang mga kuwalipikadong panlokal na panukala

Idaragdag pagkatapos ng Agosto 9, 2024 ang mga kuwalipikadong pang-distrito na panukala

 

Mga argumento sa balota

Ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ay karaniwang naglalaman ng "mga argumento sa balota." Ito ay mga pahayag na pabor at laban sa mga panukala sa balota. Maaari lang naming ilathala ang mga argumento sa balota sa ilalim ng ilang mga kundisyon. Maaari ninyong malaman ang tungkol sa mga kundisyong ito sa Gabay sa Argumento sa Balota (PDF). Maaari din ninyong malaman ang tungkol sa proseso sa isa sa aming mga workshop sa paggawa ng argumento sa balota.

Dapat ninyong isumite nang personal ang (mga) kinakailangang form sa aming tanggapan bago ang deadline. Maaari ninyong kompletuhin ang mga form nang maaga o kunin ang mga ito mula sa aming opisina. Iniimprenta namin sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ang mga argumento sa balota ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagkasumite sa mga ito.

 

Mga form para sa argumento sa balota

  • Control Sheet A (PDF)  Laging kailangan. Gamitin ang form na ito para ipresenta ang inyong argumento at tukuyin ang pangunahing may-akda.
  • Control Sheet B (PDF) Higit ba sa isang tao ang may-akda ng argumento? Gamitin ang form na ito para tukuyin ang lahat ng may-akda.
  • Consent Form (PDF) May mga tagasuporta na hindi mga may-akda? Gamitin ang form na ito para makalap ang kanilang permiso.
  • Assignment Form (PDF) Gusto ba ninyong italaga ang inyong karapatang magsumite ng argumento sa balota? Gamitin ang form na ito upang magawa iyon.

Para sa mga tanong tungkol sa mga argumento sa balota, mangyaring magpa-iskedyul ng appointment o tumawag sa 415-554-4375.

 

Alamin ang tungkol sa mga nakaraang panukala sa balota

Para sa nilalaman ng nakaraang panukala sa balota at mga argumento, tingnan ang nakaraang mga Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.

Para sa mga resulta ng mga panukala sa balota, tingnan ang mga resulta ng eleksyon.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated December 5, 2024