Mga posibleng lokal na panukala sa balota

November 5, 2024

Para sa kasalukuyang listahan ng mga potensyal na lokal na panukala para sa Nobyembre 5, 2024, Primaryang Eleksyon para sa Pagkapangulo, mangyaring sumangguni sa Ingles na bersyon ng pahinang ito. Para sa mga katanungan o tulong sa Filipino, mangyaring tumawag sa amin sa 415-554-4310.

Ang mga potensyal na panukala ay ipo-post pagkasumite sa Departamento ng mga Eleksyon. Maaaring mayroong iba pang mga potensyal na panukala na nasa ilalim ng konsiderasyon ng Lupon ng mga Superbisor, ng Mayor (Punong-Bayan), o ibang ahensya na hindi kasama sa pahinang ito.

Kapag ang isang potensyal na panukala sa balota ay isinumite sa Departamento ng mga Eleksyon, humihiling ang Departamento ng pahintulot mula sa may-panukala na payagang makita ng publiko ang contact information. Kung walang contact information para sa partikular na panukala sa pahinang ito, hindi inawtorisa ng may-panukala ang Departamento na ilabas ang impormasyong ito.

Para sa Eleksyon sa Nobyembre 5, 2024, magiging pinal ang listahan ng panlokal at pandistritong mga panukala pagkatapos ng deadline para sa pagsusumite:

  • Mga Inisyatibang Panukala – Hulyo 8, 2024
  • Mga Lokal na Panukala – Agosto 2, 2024
  • Mga Pandistritong Panukala – Agosto 9, 2024

Alamin ang higit pa tungkol sa mga deadline para sa mga eleksyon sa Nobyembre 5, 2024 sa pamamagitan ng pagtanaw sa kalendaryo ng eleksyon.