Mag apply para maging Community Ambassador

Ang Programa ng Community Ambassador ay programang pagsasanay para sa kaligtasan ng komunidad at pakikipag ugnayan sa kapitbahayan.

Anong gagawin

1. Tingnan kung ikaw ay kwalipikado

Ang programa ng Community Ambassador (CAP) ay tumatanggap ng mga miyembro na nakatira sa San Francisco. Ang mga ambassador ay madaling mapansin, subalit hindi tagapagpatupad ng batas, at ang ang presensya nila ay nagsisilbing pandagdag sa kaligtasan sa maraming kapitbahayan

Ikaw ay kwalipikado kung ikaw ay:

  • nakatira sa San Francisco
  • Maaaring magtrabaho ng full time, Lunes hanggang Biyernes, at kung minsan, pati sa gabi;
  • May matinding interes na makipagtrabaho sa publiko, at mga bahagi ng populasyon na mga mahihina (vulnerable)
  • May mainam na kakayahang magbasa, magsulat at magsalita ng ingles

Kinakailangan din ninyong:

  • Magbigay ng 2 o higit pang rekomendasyon mula sa mga dating trabaho 
  • Pumasa sa background check
  • Magbigay ng patunay ng inyong estado ng bakuna sa COVID-19

Alamin ang iba pang bagay tungkol sa CAP CAP job description.

2. Isumite ang inyong aplikasyon

Ang CAP ay programa ng Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA).

Para mag apply, isumite ang inyong resume sa: civic.engagement@sfgov.org

Sa inyong email, ipakilala ang inyong sarili at sabihin kung bakit nais ninyong maging Community Ambassador. 

3. Kung ano ang mangyayari matapos mag apply

Kung kayo ay nakitang pwedeng maging Community Ambassador, tatanggap kayo ng email mula sa amin para sa interbyu. Maghintay ng hanggang 2 linggo para makadinig mula sa amin.

Ang mga aplikasyon ay patuloy na tinatanggap.

 

May mga aplikante na maaaring maging kwalipikado sa programang pang trabaho at pagsasanay na tinaguriang JobsNOW! Kayo ay hihikayating lumahok dito pag apply ninyo.

Kung bakit kami nag aalok ng trabaho ng Community Ambassador? 

Kami ay tumatanggap at nagsasanay ng mga residente upang makapagbigay ng presensya sa maraming kapitbahayan sa San Francisco na kapansin-pansin, ligtas at mapagkukunan ng impormasyon.

 

Humingi ng tulong

Phone

Office of Civic Engagement and Immigrant Affairs (OCEIA)

Last updated June 30, 2022