Tuklasin ang mga natatangi at matagal nang negosyo sa San Francisco

Maghanap ng Mga Legacy na Negosyo ayon sa uri ng negosyo, komunidad, o pangalan ng negosyo

Maging isang Legacy na Negosyo

Ang matatagal nang tumatakbong maliliit na negosyo ay puwedeng lumahok sa Registry para sa pagkilala, tulong sa marketing at negosyo, at mga gawad.

 

Mag-apply para sumali sa Legacy Business Registry.

 

Tingnan ang status ng iyong aplikasyon sa Legacy Business Registry.

 

Mga Resource para sa Mga Legacy na Negosyo

I-promote ang pagiging bahagi ng Legacy Business Registry.

 

Mag-apply para sa Gawad na Pagkontrol sa Pagtaas ng Renta.

 

Maging Supplier sa Lungsod para magkaroon ka ng kita mula sa Lungsod. Kabilang dito ang mga gawad at kontrata.

 

Tingnan ang batas na sumusuporta sa Mga Legacy na Negosyo.

Bisitahin ang Mga Legacy na Negosyo

Maghanap ng Mga Legacy na Negosyo ayon sa uri ng negosyo, komunidad, o pangalan ng negosyo.

 

Tuklasin ang mga perpektong araw ng Legacy na Negosyo. Piliin ang iyong kapitbahayan at maranasan ang San Francisco sa pamamagitan ng Mga Legacy na Negosyo nito!

 

Ang ilang Legacy na Negosyo ay mga Supplier na nakakatugon sa pamantayan na maaaring makipagtransaksyon sa mga departamento ng Lungsod. Tingnan ang listahan ng Mga Legacy na Negosyong Supplier sa Lungsod.

 

photo of the inside of Geary Theatre
Ang Perpektong Araw ng Legacy na Negosyo sa Union Square!

Pinagsasama-sama sa iyong perpektong araw ng Legacy na Negosyo sa masiglang Union Square ang masasarap na putahe, natatanging pamimili, pagtuklas sa kultura, at entertainment.

 

1. Simulan ang iyong araw sa Boudin Bakery, na isang institusyon sa San Francisco mula pa noong 1849. Namnamin ang nakakatakam na amoy ng bagong lutong tinapay at magpakasarap sa breakfast sandwich na ginawa gamit ang kanilang signature sourdough.

 

2. Tuklasin ang mundo ng high-end na menswear mula sa Europe sa Couture Designer European Clothing. Nag-aalok ang boutique na ito ng mga damit na nagpapahayag ng iyong pagkatao nang may serbisyong pambihira at naka-personalize. Welcome sa mundo ng Couture!

 

3. Ang Lang Antique and Estate Jewelry ay isang tindahan ng mga kayamanang walang hanggan ang kagandahan, na nag-aalok ng pinakamalaking koleksyon ng mga tunay na alahas na antique, vintage, at estate. Ito ang perpektong destinasyon para sa mga taong nagpapahalaga sa sining ng palamuti.

 

4. Tuklasin ang walang kupas na mundo ng classic menswear sa Cable Car Clothiers. Dalubhasa ang haberdashery na ito sa kabuuang karanasan sa fashion at may dala itong mga tradisyonal na brand at isang in-house na 1930s-style na barber shop.

 

5. Para sa tanghalian, pumunta sa The Irish Bank Bar and Restaurant, ang diwa ng Ireland sa gitna ng San Francisco. Mag-enjoy sa maaliwalas na kapaligiran, mga tradisyonal na putaheng Irish, mga mapagpipiliang inumin, at sa kanilang magandang outdoor patio. O kung nasa mood ka para sa mabilisan at masarap na slice ng pizza, nag-aalok ang Escape From New York Pizza ng iba't ibang topping at maaliwalas na kapaligiran, na perpekto para sa casual na tanghalian on the go.

 

6. Ang Mechanics’ Institute, na itinatag noong 1854, ay isa sa mga pinakalumang institusyon sa West Coast. Ang sentrong ito para sa pagsulong ng kaalaman at kultura ay nag-aalok ng masiglang aklatan, pinakamatagal nang chess club sa Estados Unidos, at isang buong kalendaryo ng mga nakakaengganyong pangkulturang event, programa, at klase. Puwedeng kumuha ng mga pang-araw-araw at lingguhang pass.

 

7. Ang Jeffrey's Toys ay isang paraiso para sa mga mahilig sa laruan, anuman ang edad. Mula sa mga classic na laruan hanggang sa mga pinakabagong trend, nag-aalok ang iconic toy store na ito ng maraming iba't ibang laruan, kaya naman isa itong kasiya-siyang hintuan para sa mga naghahanap ng mga nostalgic na item o ng perpektong regalo para sa bata.

 

8. Magugustuhan ng mga designer, mananahi, at malikhain ang Britex Fabrics. Ipinagmamalaki ng tindahan ng tela na ito na may dalawang palapag at pinapatakbo ng pamilya na may maalam na staff ang napakaraming mapagpipiliang de-kalidad na tela, trim, at notion, na tumutugon sa sinumang naghahanap ng malikhaing inspirasyon.

 

9. Mag-enjoy sa alinman sa tatlong mahusay na pagpipilian para sa hapunan. Nag-aalok ang John's Grill ng walang kupas na karanasan sa pagkain ng tradisyonal na lutuing Amerikano, kasama ang kanilang sikat na signature dish na "Sam Spade" mula sa The Maltese Falcon. Ang New Delhi Restaurant ay isang culinary gem na naghahain ng mga tunay na vegetarian at vegan na lutuing Indian na mayaman sa lasa at pampalasa. Ang Sam's Grill and Seafood Restaurant, na itinatag noong 1867, ay ang ikalimang pinakamatagal nang restaurant sa Estados Unidos. Naghahain ang Sam's ng napakasariwa at lokal na seafood kasama ng mga classic na lutuin sa San Francisco mula sa pagpasok ng ika-20 siglo.

 

10. Tapusin ang iyong perpektong araw ng Legacy na Negosyo sa Union Square sa isang palabas. Kilala ang American Conservatory Theater (A.C.T.) sa pag-promote ng iba't ibang boses at pagsasama-sama ng mga artist at komunidad para magbigay ng inspirasyon at mang-udyok. Ang Phoenix Arts Association Theatre ay gumagawa ng mga dulang may kahusayan sa sining na nagpapakita ng sigla at pagkakaiba-iba ng ating komunidad.

 

Maghanap ng higit pang "Perpektong Araw ng Legacy na Negosyo"

Higit pang resource para sa maliliit na negosyo

Picture of Specs' bar
Heritage Happy Hour: Thursday, Dec. 12 from 5:00 to 7:00 p.m.

Join us at Specs' 12 Adler Museum Cafe located at 12 William Saroyan Pl. in North Beach for the next Heritage Happy Hour, a casual monthly “no-host” gathering of heritage professionals, young preservationists, aficionados, friends, and Legacy Business cohorts interested in safeguarding San Francisco’s unique architectural and cultural identity. Since 1968, Specs' has served as a cultural institution and watering hole for artists, activists, and travelers with its old-school charm and a sanctuary-like atmosphere. Let’s all raise a glass to the Legacy Businesses that keep our city special!

Heritage Happy Hour: Huwebes, Enero 11 mula 5:00 hanggang 7:00 p.m.

Samahan kami sa Pop's Bar na nasa 2800 24th Street sa Mission para sa susunod na Heritage Happy Hour, isang buwanang "no-host" event para sa sinumang interesadong ipagdiwang ang pagkakakilanlan sa arkitektura at kultura ng SF. Ipagdiwang ang Mga Legacy na Negosyo na nagpapanatiling espesyal sa ating lungsod!

About

Ang Programang Legacy na Negosyo ay para sa mga negosyong 30+ taon na at nagpapayabong sa kultura ng San Francisco. Makakakuha ang Mga Legacy na Negosyo ng tulong sa marketing, suporta sa negosyo, at mga gawad. Ito ang unang programa na may ganitong uri sa Estados Unidos. Makipag-ugnayan sa amin sa (415) 554-6680 o legacybusiness@sfgov.org.

Makakakuha ng tulong ang lahat ng negosyo, gaano man katagal ang mga ito, mula sa ating Opisina ng Maliliit na Negosyo. Lunes-Biyernes, 9am-tanghali at 1pm-5pm sa (415) 554-6134 o sa sfosb@sfgov.org.