Pagsusuri sa zoning
Sa Permit Center
Ang pinakamagandang paraan para tingnan ang zoning ay sa personal sa Permit Center. Matutulungan ka ng mga espesyalista sa permit ng Maliliit na Negosyo na maunawaan ang zoning at pagkakaroon ng permit na kinakailangan para sa anumang espasyong isinasaalang-alang mo.
Hanapin ang Aking Zoning
Ang page na Find My Zoning (Hanapin ang Aking Zoning) ng Planning Department ng SF ay nagbibigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga panuntunan sa zoning, kung paano nalalapat ang mga ito sa iyong negosyo, at kung paano mo masusunod ang mga ito.
Mapa ng Impormasyon sa Pag-aari
Nagbibigay-daan sa iyo ang online na Property Information Map (Mapa ng Impormasyon sa Pag-aari) ng Planning Department na makita kung anong mga kodigo ang nalalapat sa iyong ari-arian at kung anong mga permit ang posibleng ibinigay sa iyong ari-arian dati.
Planning Information Center (PIC)
Ang mga propesyonal na tagaplano ay available sa information desk sa Planning Department tuwing weekday upang sagutin ang mga tanong tungkol sa mga permit, zoning at paggamit ng lupa, mga plano sa kapitbahayan at lugar, at marami pang iba. Maaari kang mag-email, tumawag, o bumisita sa kanila sa personal sa Planning Information Center.
Mga Itinatampok na Resource
CB3P Community Business Priority Processing Program
Pinapasimple ng CB3P ang proseso ng Kondisyunal na Paggamit para sa ilang partikular na aplikasyon ng maliit at katamtamang negosyo. Ang mga proyektong kwalipikado, at magpapatala, sa CB3P ay tinitiyak na magkakaroon ng (1) petsa ng pagdinig sa loob 90 araw mula sa petsa ng pagsusumite at (2) placement sa kalendaryo ng pahintulot ng Komisyon sa Pagpaplano.