Ang Tenderloin ay tahanan para sa mga pamilya, immigrant, senior, merchant, at manggagawa, at ang ilan sa kanila ay walang tirahan. Lahat ay karapat-dapat magkaroon ng masaganang komunidad na matatawag nilang tahanan.
Ang Tenderloin Emergency Initiative ay isang pagtutulungan sa pagitan ng komunidad at ng Lungsod at County ng San Francisco.
Tingnan ang mga dashboard ng data at lingguhang ulat sa pagpapatakbo.
Panoorin ang video na ito tungkol sa inisyatiba.
Basahin ang gabay at plano
Ang San Francisco ay may gabay at plano para sa emergency sa Tenderloin para:
- Makuha ng mga taong may tirahan at walang tirahan ang mga serbisyong kailangan nila
- Mapaigting ang kaligtasan
- Mabawasan ang krimen
- Madagdagan ang pamumuhunan sa komunidad
Ang plano ang pagsisimulan at magbabago ito batay sa mga pagkakataon at hamong kakaharapin, at sa feedback mula sa komunidad.
Ang Tenderloin Center
Nagsara ang The Tenderloin Center noong Disyembre 4, 2022.
Ang sentro na bahagi ng Tenderloin Emergency Initiative ng San Francisco ay nakaplano bilang pansamantalang site upang mabawasan ang mga pagkamatay dahil sa overdose at madagdagan ang mga koneksyon sa mga serbisyo, pati na rin mangolekta ng data para sa mga site at serbisyo sa hinaharap.
Ang SF Public Health ay sumusuporta sa mga taong naghahanap at nakakatanggap ng mga serbisyo sa pamamagitan ng pangangasiwa sa kanilang paglipat sa mga mapagkakatiwalaang provider sa kapitbahayan, na nag-aalok ng mga serbisyong katulad ng TLC.