Ang programa ng Community Ambassador ay isang programa sa pakikipag ugnayan para sa pangkaligtasan ng komunidad at kapitbahayan. Kami ay nakikipag ugnayan, nagbibigay kaalaman at tumutulong sa mga miembro ng komunidad ng San Francisco. Ang CAP ay hindi tagapagpatupad ng batas subalit nagbibigay ng presensya na pangkaligtasan na kapansin pansin sa maraming kapitbahayan.
Mga responsibilidad ng trabaho
Ang Community Ambassador ay nagtatrabaho sa mga kabitbahayan na binubuo ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar at kultura upang itaguyod ang kaligtasan at ipag ugnay ang mga tao sa kaukulang serbisyo. Tinutulugan namin ang mga taga San Francisco na pawang mababa ang sahod, nakakaranas ng kawalan ng tirahan, nagsasalita ng ibang wika maliban sa ingles, mga may edad na adulto at iba pa.
Ang Community Ambassador ay nagtatrabaho sa mga pangkat para:
- Maging eskort na pangkaligtasan.. Ang mga residente ay maaaring humingi ng safety escort sa mga kapitbahayan kung saan kami nagtatrabaho
- Iulat ang mga emerhensiya. Tinatawagan namin ang mga serbisyong pang medikal at emerhensiya para tumugon sa mga miembro ng komunidad na nasa krisis
- Sinusuri at inaalam namin ang kalagayan ng mga indibidwal sa mga pampublikong lugar
Kwalipikasyon
Kayo ay kwalipikado kung kayo ay:
- Nakatira sa San Francisco
- Maaring magtrabaho ng 38 oras kada lingo, at kung minsan pati sa gabi
- May malakas na kagustuhang makipagtrabaho sa publiko at mga populasyon ng mga mahihina (vulnerable)
- May mainam na kakayahan na mag basa, magsulat at magsalita ng ingles
- May kakayahan sa epektibong pakikipag talakayan
- Maaaring maging huwarang modelo ng positibong pag uugali
- Madaling nakasusunod sa mga tinuturo pati na ang mga palakad ng programa
Mga ninanais na kakayahan o karanasan:
- Kayo ay nagtapos sa mataas na paaralan o kaya ay may GED
- Kayo ay may karanasan sa pakikipag ugnayan sa komunidad (community outreach), seguridad o customer service
- Bihasa sa dalawang wika at may karanasan makapagtrabaho sa mga komunidad na limitado ang kakayahan sa ingles
Kinakailangan din ninyong
- Magbigay ng 2 o higit pang rekomendasyon mula sa nakaraang trabaho
- Pumasa sa pagsasaliksik sa inyong nakaraan
- Magbigay ng patunay ng estado o kalagayan ng inyong bakuna sa COVID-19