2020 Senso at Muling Pagdidistrito

2020 Senso

Itinatakda ng Saligang Batas ng Estados Unidos na magsagawa ang pederal na gobyerno ng kumpletong pagbilang ng lahat ng naninirahan sa bansa sa bawat sampung taon. Ang proyektong pagbibilang na ito, o “Pederal na Kadekadang Senso,” ay isinasagawa ng “Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos” at huling isinagawa noong 2020. Bagama’t naantala ito ng ilang buwan dahil sa mga pangyayaring dulot ng COVID-19, inaasahan na ilalabas ng Kawanihan ng Senso ang datos sa Setyembre 2021. Alamin ang higit pa ukol sa 2020 Senso.

Muling Pagdidistrito

Kasunod nang paglabas ng datos ng 2020 Pederal na Kadekadang Senso, ang mga linya ng hangganan ng iba’t-ibang mga distrito sa botohan ay kailangang ayusin o i-adjust nang sa gayon ang bawat distrito ay mananatiling mayroong pantay na bilang ng mga residente. Tinatawag ang prosesong ito na “muling pagdidistrito”. 

Sa California, ang muling pagdidistrito ay kabibilangan ng muling pagguhit ng mga linya ng pang-estadong lehislatibo at kongresyonal na mga distrito. Sa San Francisco, sinasaklaw ng muling pagdidistrito ang muling pagguhit ng mga linya ng mga Superbisoryal na distrito. Tingnan ang kasalukuyang mapa ng mga distrito ng San Francisco (PDF).

Pang-estado at Pampederal na Linya ng mga Distrito

Noong Nobyembre 2008, ipinasa ng mga botante ng California ang Voters FIRST Act, na nag-a-awtorisa sa paglikha ng Independent Citizens Redistricting Commission o Komisyon ng Independiyenteng mga Mamamayan sa Muling Pagdidistrito (ICRC) ng estado. Sa 2021-2022, muling iguguhit ng ICRC ang mga linya para sa Kongresyonal, pang-Senado, pang-Asembelya, at pang-Lupon ng Pagkakapantay-pantay na mga distrito ng California. Ang ICRC, na kabibilangan ng 14 na mga miyembro (5 Republikano, 5 Demokratiko, at 4 na hindi kaakibat ng alinman sa dalawang partidong iyon), ay inaasahang kokompletuhin ang proseso ng muling pagdidistrito ng estado nang hindi lalampas sa Pebrero 2022. Alamin ang higit pa ukol sa ICRC

Linya ng mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco

Alinsunod sa Charter ng San Francisco, kailangang abisuhan ng Direktor ng mga Eleksyon ang Lupon ng mga Superbisor kapag ipinakita ng bagong datos ng senso na hindi na magiging pantay ang populasyon ng lokal na mga Distritong Superbisoryal. Kailangang bumuo ng Lupon ng mga Superbisor ng isang Redistricting Task Force o Task Force para sa Muling Pagdidistrito (RTF) para ayusin o i-adjust ang linya ng mga Superbisoryal na Distrito. Ang RTF, na kabibilangan ng 9 na mga miyembro (ang Mayor, ang Lupon ng mga Superbisor, at ang Komisyon ng mga Eleksyon ay magtatalaga ng tig-3 mga miyembro), ay kailangang kompletuhin ang prosesong ito nang hindi lalampas ng Abril 15 ng taon kung saan gaganapin ang susunod na nakatakdang eleksyon para sa mga miyembro ng Lupon ng mga Superbisor. Dahil nakatakda sa Nobyembre 8, 2022 ang susunod na ganoong eleksyon, inaasahang ilalabas ng RTF ang narebisang mapa ng lokal na mga distrito nang hindi lalampas ng Abril 15, 2022.

Pakikilahok

Hinihimok ang mga miyembro ng publiko na makilahok sa anumang pagpupulong na gagawin ng Task Force para sa Muling Pagdidistrito ng San Francisco – kasama nang pagbibigay ng pangkalahatang mga komento, malaya ang sinuman na magsumite ng mga mungkahi ukol sa mga linya ng hangganan sa alinman o sa lahat ng mga Superbisoryal na distrito ng Lungsod. 

Inaanyayahan din ang mga miyembro ng publiko na makibahagi sa anumang “mga pagdinig sa mungkahi ng publiko” na isasagawa ng Komisyon ng Independiyenteng mga Mamamayan sa Muling Pagdidistrito ng California. Kumuha ng karagdagang impormasyon sa kung papaano makakasali sa mga pagdinig sa mungkahi ng publiko.

 

Pagboto Matapos ang Muling Pagdidistrito

Maaaring magbago ang mga hangganan ng isa o higit pang mga distrito kung saan kayo nakatira (hal., ang inyong superbisoryal o kongresyonal na distrito). Kung gayon, maaaring magbago ang isa o higit pa sa inyong politikal na kinatawan. Hanapin ang inyong kasalukyang politikal na kinatawan

Masusuri ninyo ang impormasyon sa bagong distrito sa botohan sa sfelections.org/mydistrict sa sandaling makompleto ng Komisyon ng Independiyenteng mga Mamamayan sa Muling Pagdidistrito sa Pebrero 2022 at ng Task Force para sa Muling Pagdidistrito sa Abril 2022, ang kanilang mga trabaho. 

Last updated August 11, 2021