Anong gagawin
1. Tingnan kung puwede kayong magpakasal
Puwede kayong magpakasal kung kayo ay:
- hindi kasalukuyang kasal
- 18 taong gulang pataas
- may hindi expired na ID na may larawan na inisyu ng pamahalaan
2. Magpasya sa uri ng lisensya sa pagpapakasal
Para sa pampublikong lisensya:
- kailangan ninyo ng kahit isang saksi sa seremonya
- isang pampublikong rekord
Para sa kumpidensyal na lisensya:
- dapat nakatira kayo sa iisang bahay
- hindi kailangan ng saksi sa seremonya
- sa mag-asawa lang available ang rekord ng kasal
3. Magpasya tungkol sa pagpapalit ng pangalan
Hindi kami makakapagbigay ng legal na payo, kaya makipag-usap sa abugado kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa pagpapalit ng pangalan.
4. Magpa-appointment
Kailangan ninyo ng appointment para makakuha ng lisensya sa pagpapakasal. Dapat ninyong bayaran ang lisensya kapag nagpa-appointment kayo.
5. Pumunta sa iyong appointment
Ang dalawang taong ikakasal ay dapat pumunta sa appointment at magdala ng:
- hindi expired na ID na may larawan na inisyu ng pamahalaan (tulad ng pasaporte, lisensya sa pagmamaneho, resident alien card, o military ID)
Kung wala sa inyong ID ang inyong buong legal na pangalan, magdala ng sertipikadong kopya ng inyong katibayan ng kapanganakan o card ng social security na nagpapakita ng inyong buong legal na pangalan.
Kung nakasal na o nasa domestic partnership dati ang sinuman sa inyong dalawa, tingnan sa ibaba.
6. Magpakasal sa loob ng 90 araw
Kapag nakakuha na kayo lisensya sa pagpapakasal, puwede na kayong magpakasal kahit saan sa California. May bisa ang inyong lisensya nang 90 araw.
Espesyal na mga kaso
Dating kasal o domestic partnership
Dating kasal o domestic partnership
Kung nakasal na o nasa State Registered Domestic Partnership (SRDP) dati ang sinuman sa inyong dalawa, kailangan ninyong malaman ang eksaktong petsa kung kailan natapos ang kasal o Domestic Partnership. Kailangan lang namin ng impormasyon tungkol sa pinakakamakailang petsa para sa bawat isa sa inyo.
Kung natapos ang kasal wala pang 90 araw bago ang inyong appointment, dapat kayong magdala ng sertipikadong kopya ng rekord ng diborsyo, annulment, pagwawakas, o pagkamatay.
Ang sertipikadong kopya ay dapat may orihinal na selyo ng korte at pirma ng clerk ng korte.
Ang mga Sertipikadong Kopya sa banyagang wika ay dapat isalin sa Ingles ng isang translator na sertipikado ng korte o translator na sertipikado ng American Translators Association (ATA) at dapat ipakita kasama ng pagsasalin.
Wala pang 18 taong gulang
Wala pang 18 taong gulang
Kung kayo o ang taong papakasalan ninyo ay wala pang 18 taong gulang, kayong dalawa ay dapat may:
- nakasulat na pahintulot ng kahit isang magulang (o legal na tagapag-alaga)
- nakasulat na pahintulot mula sa isang Judge sa San Francisco Juvenile Court
Kwalipikado lang kayo para sa pampublikong lisensya sa pagpapakasal.
Pagkansela ng inyong appointment
Pagkansela ng inyong appointment
Hindi kayo puwedeng magbago ng iskedyul ng appointment para sa lisensya sa pagpapakasal. Dapat ninyong kanselahin ang iyong appointment sa personal o sa pamamagitan ng online na system ng pag-book.
Hindi ninyo mababawi ang inyong pera.
Humingi ng tulong
Office of the County Clerk
Opisina ng County ClerkCity Hall, Room 160
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 4:00 pm
Mga Oras ng Pagpoproseso
Sarado sa mga pista opisyal.
Phone
Last updated March 22, 2023