Anong gagawin
Mga Kinakailangan para Maghain sa County Clerk ng San Francisco
- Dapat ay hindi bababa sa 18 taong gulang ang parehong partner
- Dapat magpakita ang parehong partner kapag naghain ng Deklarasyon ng Domestic Partnership
- Kinakailangan ng valid, tunay, at legal na photo ID mula sa bawat partner
- Kung mayroon kang dating domestic partnership sa SF, dapat ka munang maghain ng Abiso sa Pagwawakas ng Domestic Partnership
- Kung kasalukuyan kang kasal, dapat mo munang ipawalang-bisa ang kasal
Espesyal na mga kaso
Paghahain ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Notaryo Publiko
Paghahain ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Notaryo Publiko
Available ang form ng Deklarasyon ng Domestic Partnership sa Opisina ng County Clerk ng San Francisco at sa website na ito. Kumpletuhin ang form sa pagpaparehistro at ipanotaryo ito sa isang Notaryo Publiko. Kailangang magbigay ng kopya ng pagpaparehistro sa isang taong sumaksi sa paglagda (na maaari o hindi maaaring Notaryo).
Pakitandaang kung pipiliin mong maghain sa notaryo publiko, hindi ka maghahain sa County Clerk, at hindi magkakaroon ng anumang tala o impormasyon ang County Clerk tungkol sa Domestic Partnership.
Paghahain ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Kalihim ng Estado
Paghahain ng Domestic Partnership sa San Francisco sa Kalihim ng Estado
Hiwalay at natatangi ang lokal na programa ng San Francisco sa Programang Domestic Partnership ng Estado ng California. Kung interesado kang malaman ang higit pa tungkol sa Pagpaparehistro ng Estado, pakibisita ang Registry ng Domestic Partner ng Kalihim ng Estado o tawagan ang (916) 653-4984. Available ang mga form sa pagpaparehistro ng estado sa website ng Kalihim ng Estado.
Humingi ng tulong
Office of the County Clerk
Opisina ng County ClerkCity Hall, Room 160
1 Dr. Carlton B Goodlett Place
San Francisco, CA 94102
Mon to Fri,
8:00 am to 4:00 pm
Mga Oras ng Pagpoproseso
Sarado sa mga pista opisyal.
Phone
Last updated December 23, 2022