Anong gagawin
Tungkol sa mga Extended Hours Premises (EHP) permit
Kailangan mo ng Extended Hours Premises (EHP) permit kung gusto mong gawin ang lahat ng sumusunod:
- Mag-host ng entertainment at/o maghain ng pagkain at mga hindi nakalalasing na inumin sa iyong negosyo sa pagitan ng 2 am at 6 am nang regular
Kasama sa mga halimbawa ang isang venue na gustong magkaroon ng entertainment lampas 2 am, o late night na restawran. Tingnan kung paano binibigyang-kahulugan ng code ang entertainment.
Bago ka mag-apply, tanungin sa amin kung pinapayagan ang Extended Hours Premises permit para sa iyong lokasyon
Ang mga pag-aari lang na nasa ilang partikular na bahagi ng lungsod ang pinapayagang mag-apply para sa isang EHP permit.
1. Tingnan para malaman kung puwede kang mag-apply
Mag-email sa aming Deputy Director sa kaitlyn.azevedo@sfgov.org para malaman kung makakakuha ka ng permit para sa iyong lokasyon, depende sa mga panuntunan sa zoning.
Isama ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong email:
- Pangalan ng inyong negosyo
- Address ng negosyo
- Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
- Mga uri ng entertainment
- Iminumungkahing mga araw at oras ng entertainment, kasama ang oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos
- Kung plano mong magkaroon ng mga pool table o mekanikal na laro
Maghintay ng higit pang instruksyong nagpapaalam sa iyo kung puwede kang mag-apply.
2. Isumite ang inyong aplikasyon
Dapat mo kaming i-email bago ka mag-apply. At posibleng kailanganin mong bumisita sa Planning Information Counter at sagutan ang form ng affidavit sa Pagpaplano bago kumpletuhin ang aplikasyon. Magbibigay kami sa iyo ng mga instruksyon sa kung paano sagutan ang form sa email.
Ihanda ang inyong mga dokumento
Tatanungin namin kayo tungkol sa:
- Iyong Business Account Number
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa lahat ng may-ari ng negosyong nagmamay-ari ng 10% o higit pa ng negosyo
Posibleng kailanganin mong isama ang mga dokumentong ito sa iyong aplikasyon:
- Isang diagram na nagpapakita:
- Lugar at mga dimensyon ng pagtatanghal
- Kung saan matatagpuan ang mga speaker
- Kung saan matatagpuan ang seguridad
- Outdoor na espasyo para sa pagtatanghal, kung naaangkop
- Patunay ng insurance para sa seguridad
- Lisensya para sa alak, kung naaangkop
- Form ng affidavit sa Pagpaplano
- Permit para sa Kalusugan mula sa Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng SF, kung naaangkop
- Permit sa Lugar ng Asembleya mula sa Departamento ng Bumbero, kung ang occupancy ay 50 o higit pa
3. Dumalo ng meeting
Makikipagkita ka sa aming Deputy Director. Sa in-take na meeting na ito, rerepasuhin namin nang buo ang aplikasyon kasama ka at tatalakayin namin ang mga susunod na hakbang.
4. Bayaran ang bayarin sa aplikasyon
Magbayad online gamit ang credit card o electronic na tseke.
Puwede ka ring magbayad gamit ang tseke o money order. Gawing maibabayad sa "City and County of San Francisco."
Kokolektahin namin ang iyong bayarin sa aplikasyon para sa permit. Ina-update ang mga bayad kada Hulyo.
Hiwalay kang sisingilin ng Treasurer at Tax Collector para sa taunang bayarin sa lisensya.
5. Ipaalam sa mga kapitbahay mo
Ipapadala namin ang iyong packet ng aplikasyon sa mga departamento ng Lungsod para sa kanilang pagrepaso at pag-apruba. Kasama rito ang Planning Department, Departamento ng Pulisya, at anupamang nauugnay na departamento ng Lungsod, depende sa permit kung saan ka nag-a-apply.
Nakaiskedyul na ang petsa ng pagdinig ng Entertainment Commission. Nagtitipon ang Komisyon sa ika-1 at ika-3 Martes ng buwan.
Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong mga kapitbahay tulad ng tinalakay sa iyong in-take na meeting at ipaskil ang aming dilaw na abiso sa publiko sa iyong lokasyon sa loob ng 30 araw.
6. Mag-iskedyul ng anumang kinakailangang inspeksyon
Posibleng kailanganin ang anumang inspeksyon mula sa iba pang departamento. Bibigyan ka ng mga instruksyon sa iyong in-take na meeting.
7. Dumalo sa pagdinig
Kakailanganin mong dumalo sa isang pampublikong pagdinig.
Posibleng tanungin ka ng mga komisyoner tungkol sa iyong mga plano sa pagdinig. Pagbobotohan nila kung aaprubahan ang iyong permit.
Kung mayroon ka pang mga inspeksyong kailangang isagawa, kailangan mong makapasa sa mga inspeksyong iyon bago makatanggap ng permit.
8. Ipaskil ang iyong permit
Ie-email namin sa iyo ang PDF ng iyong permit.
Dapat mo itong ipaskil sa lokasyon ng iyong negosyo. At masisimulan mo nang isagawa ang aktibidad na pinapayagan ng permit sa entertainment.
I-renew ang iyong permit sa entertainment kada taon sa pamamagitan ng pagbabayad ng taunang bayarin sa lisensya sa Treasurer at Tax Collector
Humingi ng tulong
Entertainment Commission
49 South Van NessSuite 1482
San Francisco, CA 94103
Ito ang aming opisina ngunit hindi ito bukas sa publiko. Tumatanggap ang Permit Center ng walk-in.
Phone
Kaitlyn Azevedo, Deputy Director
Kaitlyn Azevedo, Deputy Director
Last updated February 27, 2023