Makatanggap ng Place of Entertainment permit para sa iyong negosyo

Kailangan mo ng Place of Entertainment (POE) permit kung gusto mong regular na mag-host ng entertainment, tulad ng sa isang venue, concert hall, o nightclub.

Anong gagawin

Ang mga pag-aari lang na nasa ilang partikular na bahagi ng lungsod ang pinapayagang mag-apply para sa POE permit.

Tungkol sa mga Place of Entertainment (POE) permit

Kailangan mo ng Place of Entertainment (POE) permit kung ikaw ay:

  • May entertainment sa iyong negosyo nang tuloy-tuloy
  • Ang entertainment ay pangunahing serbisyo para sa negosyo, tulad ng venue ng live na musika, nightclub, concert hall, o venue ng espesyal na event
  • May mga customer o miyembro
  • May mga indoor na live na pagtatanghal hanggang 2 am

Maaaring indoor o outdoor ang iyong entertainment.

Kung gusto mo ng entertainment hanggang 10 o 11 pm lang at pansuportang serbisyo ng iyong negosyo ang entertainment, maaari kang mag-apply para sa isang Limited Live Performance (LLP) Permit.

Kasama sa entertainment ang anuman sa mga sumusunod:

  • Musician
  • Banda
  • DJ
  • Theater performance
  • Dance performance
  • Comedy show
  • Drag show
  • Karaoke
  • Fashion show
  • Pagbabasa ng tula

Tingnan kung paano binibigyang-kahulugan ng code ang entertainment.

Hindi mo kailangan ng permit sa entertainment kung mayroon kang:

  • Indoor na naka-record na musika na walang live na performer, tulad ng playlist ng kanta o isang jukebox
  • Isang hindi naka-amplify na solo performer na nagtatanghal nang indoor sa isang negosyo bago ang 10pm
  • Indoor na trivia
  • Mga indoor na magic show
  • Mga indoor na music lesson

1. Tingnan para malaman kung puwede kang mag-apply

Mag-email sa aming Deputy Director sa kaitlyn.azevedo@sfgov.org para malaman kung makakakuha ka ng permit para sa iyong lokasyon, depende sa mga panuntunan sa zoning.

Isama ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong email:

  • Pangalan ng inyong negosyo
  • Address ng negosyo
  • Iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan
  • Mga uri ng entertainment at malakas na tunog
  • Plano mo mang magkaroon ng indoor na entertainment, outdoor na entertainment/malakas na tunog, o pareho
  • Iminumungkahing mga oras ng entertainment, kasama ang oras ng pagsisimula at oras ng pagtatapos
  • Kung plano mong magkaroon ng mga pool table o mekanikal na laro

Maghintay ng higit pang instruksyong nagpapaalam sa iyo kung puwede kang mag-apply.

Kung bago kang negosyo, dapat ay mayroon kang kasunduan sa lease o pansamantalang lisensya para sa alak bago mag-apply.

2. Isumite ang inyong aplikasyon

Dapat mo kaming i-email bago ka mag-apply. Posibleng hilingin sa iyong bumisita sa Planning Information Counter at sagutan ang form sa affidavit ng Pagpaplano bago kumpletuhin ang aplikasyon. Bibigyan ka namin ng mga instruksyon sa kung paano sagutan ang form sa email.

Ihanda ang inyong mga dokumento

Tatanungin namin kayo tungkol sa:

  • Iyong Business Account Number
  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa lahat ng may-ari ng negosyong nagmamay-ari ng 10% o higit pa ng negosyo

Posibleng kailanganin mong isama ang mga dokumentong ito sa iyong aplikasyon:

Dapat mo kaming i-email bago ka mag-apply. At posibleng hilingin sa iyong bumisita sa Planning Information Counter bago kumpletuhin ang aplikasyon.

 

Hindi ginagarantiya ng pag-apply na makakakuha ka ng permit. Makikipag-ugnayan kami sa iyo kung mayroong isyu sa iyong aplikasyon. Halimbawa, kung dati kang nakulong, posibleng hilingin namin sa iyong magbigay pa ng impormasyon tungkol dito.

3. Dumalo ng meeting

Makikipagkita ka sa aming Deputy Director. Sa in-take na meeting na ito, rerepasuhin namin nang buo ang aplikasyon kasama ka at tatalakayin namin ang mga susunod na hakbang.

4. Bayaran ang bayarin sa aplikasyon

Magbayad online gamit ang credit card o electronic na tseke.

Puwede ka ring magbayad gamit ang tseke o money order. Gawing maibabayad sa "City and County of San Francisco" (Lungsod at County ng San Francisco).


Kokolektahin namin ang iyong bayarin sa aplikasyon para sa permit. Ina-update ang mga bayad kada Hulyo.

Hiwalay kang sisingilin ng Treasurer at Tax Collector para sa taunang bayarin sa lisensya.

5. Ipaalam sa mga kapitbahay mo

Ipapadala namin ang iyong packet ng aplikasyon sa mga departamento ng Lungsod para sa kanilang pagrepaso at pag-apruba. Kasama rito ang Planning Department, Departamento ng Pulisya, at anupamang nauugnay na departamento ng Lungsod, depende sa permit kung saan ka nag-a-apply.

Mag-iiskedyul ang Entertainment Commission ng petsa ng pagdinig. Nagtitipon ang Komisyon sa ika-1 at ika-3 Martes ng buwan.

Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong mga kapitbahay tulad ng tinalakay sa iyong in-take na meeting at ipaskil ang aming dilaw na abiso sa publiko sa iyong lokasyon sa loob ng 30 araw.

 

6. Mag-iskedyul ng anumang kinakailangang inspeksyon

Posibleng kailanganin ang anumang inspeksyon mula sa iba pang departamento. Bibigyan ka ng mga instruksyon sa iyong in-take na meeting.

Tingnan ang mga bayarin sa inspeksyon.

7. Dumalo sa pagdinig

Kakailanganin mong dumalo sa isang pampublikong pagdinig.

Posibleng tanungin ka ng mga komisyoner tungkol sa iyong mga plano sa pagdinig. Pagbobotohan nila kung aaprubahan ang iyong permit.

Kung mayroon ka pang mga inspeksyong kailangang isagawa, kailangan mong makapasa sa mga inspeksyong iyon bago makatanggap ng permit

8. Ipaskil ang iyong permit

Ie-email namin sa iyo ang PDF ng iyong permit.

Dapat mo itong ipaskil sa lokasyon ng iyong negosyo. At masisimulan mo nang isagawa ang aktibidad na pinapayagan ng permit sa entertainment.

I-renew ang iyong permit sa entertainment kada taon sa pamamagitan ng pagbabayad ng taunang bayarin sa lisensya sa Treasurer at Tax Collector.

Espesyal na mga kaso

Tumingin ng mapa ng mga negosyo na may mga entertainment permit

Tumingin ng mapa ng mga negosyo na may mga entertainment permit

Tingnan ang mapa para makita kung aling mga establisyamento ng negosyo ang may permit na regular na mag-host ng entertainment. Maaari kang mag-filter ayon sa uri ng brick-and-mortar permit. Ina-update ang mapa kada 3 buwan.

Humingi ng tulong

Entertainment Commission

49 South Van Ness
Suite 1482
San Francisco, CA 94103

Ito ang aming opisina ngunit hindi ito bukas sa publiko. Tumatanggap ang Permit Center ng walk-in.

Phone

Kaitlyn Azevedo, Deputy Director

Last updated May 18, 2023