Anong gagawin
1. Magpatala sa San Francisco Health Network
Bago kayo makakuha ng diagnostic na pagsusuri, kailangan ninyong maging pasyente sa isang klinika ng San Francisco Health Network.
2. Humingi ng referral mula sa inyong doktor
Ang "referral" ay isang nakasulat na order para sa pagsusuri.
Makipag-usap sa doktor sa inyong nakatalagang klinika sa health network. Kailangan nilang gumawa ng referral para makakuha kayo ng specialty na pagsusuri.
Mag-log in sa inyong MyChart account para humiling ng appointment.
3. Maghanda para sa inyong pagsusuri
Isusumite ng inyong doktor ang kahilingan para sa inyong pagsusuri sa naaangkop na espesyalista. Posibleng makita ninyo ang order para sa inyong pagsusuri sa inyong portal ng pasyente sa MyChart.
Para malaman ang higit pa tungkol sa:
- Mga diagnostic na pagsusuri sa ospital
- Kung paano maghanda
- Kung paano mahanap ang tamang lokasyon para sa pagsusuri
Tingnan ang mga serbisyo sa pagsusuri at diagnostic na serbisyo sa Zuckerberg San Francisco General.
4. Tingnan ang inyong mga resulta
Pagkatapos ng inyong pagsusuri, hintaying lumabas ang mga resulta sa inyong portal ng pasyente sa MyChart.
Karaniwang mag-iiwan ng mensahe ang inyong doktor at ipapaliwanag niya sa inyo ang inyong mga resulta sa loob ng parehong timeframe.
Kung kailangan ninyo ng tulong sa pag-unawa sa impormasyon mula sa inyong pagsusuri, mag-iwan ng mensahe para sa team ng klinika ninyo.
Humingi ng tulong
Phone
Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center
Pangunahing linya para sa pangunahing impormasyon.
Last updated April 3, 2023