Anong gagawin
Mag-sign in sa MyChart
Gamitin ang patient portal na ito para:
- Pumunta sa iyong mga appointment
- Humingi ng refill
- Tingnan ang mga hinihiling na pagsusuri at resulta
- Magtanong
- Magbayad ng bill o humingi ng tulong sa pagsingil
Humingi ng tulong sa pag-log in sa MyChart.
Humingi ng tulong sa pag-log in sa MyChart.
Kung hindi ka nakatanggap ng mga kredensyal sa pag-log in sa iyong appointment sa kalusugan, maaari kang mag-sign up pagkatapos mong bumisita.
Subukan ang isa sa mga paraang ito:
A. Hanapin ang iyong "code sa pag-activate"
Kung binigyan ka namin ng "Buod Pagkatapos ng Pagbisita" o liham ng pagpapatala, tingnan kung mayroon itong access o code sa pag-activate.
Gamitin ang code para mag-sign up para sa MyChart:
- Pumunta sa pag-sign up sa MyChart
- Ilagay ang iyong:
- Code sa pag-activate (mula sa Buod Pagkatapos ng Pagbisita o liham ng pagpapatala)
- ZIP code
- Petsa ng kapanganakan
B. Gamitin ang link para sa pag-sign up
Kung nagpadala kami sa iyo ng email o text message para mag-sign up para sa MyChart:
- Sundin ang link
- Gumawa ng user name at password
- Ilagay ang petsa ng iyong kapanganakan
- Piliin ang "submit" (isumite)
C. Mag-verify ng mga detalye nang walang code o link
Kung wala kang link para sa pag-sign up o code sa pag-activate:
- Pumunta sa MyChart: Walang code sa pag-activate
- Punan ang impormasyon
- Sundin ang mga tagubilin para makapag-log in sa MyChart
Kung hindi ka makasunod sa mga hakbang na ito
Tawagan mo kami para sa tulong
O mag-sign up nang personal
- Bumisita sa iyong klinik o
- Pumunta sa opisina ng Mga Medikal na Record:
Medical Records Office
Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center1001 Potrero Avenue
Building 5, Floor 2, Room 2B
San Francisco, CA 94110
Humingi ng tulong
Phone
MyChart
Last updated April 27, 2023