Anong gagawin
1. Maging pasyente ng health network
Para makakuha ng pangangalaga, kailangang naka-enroll ka sa San Francisco Health Network.
Kung hindi ka pa pasyente, alamin kung paano mag-enroll.
2. Humingi ng appointment
Mag-log in sa iyong MyChart patient portal para:
- Magpadala ng mensahe sa iyong klinika
o kaya - Humingi ng appointment
Posibleng kailangan mong makipagkita sa iyong doktor sa pangunahing pangangalaga bago ka makapagpatingin sa podiatrist. Magagawa niyang suriin ang iyong isyu, magsagawa ng electronic na konsultasyon sa isang espesyalista (e-consult), at magsumite ng referral.
Sa ilang sitwasyon, puwede kang igawa ng iyong klinika ng appointment sa podiatry nang direkta.
Espesyal na mga kaso
Kung kailangan mo ng operasyon o mga espesyal na serbisyo sa pagpapagaling
Kung kailangan mo ng operasyon o mga espesyal na serbisyo sa pagpapagaling
Posibleng ma-refer ka sa Orthopaedic Services (Mga Serbisyong Orthopedic) sa Zuckerberg San Francisco General Hospital.
Bukod sa podiatry, nagbibigay ang klinikang ito ng specialty na pangangalaga para sa iyong mga buto at kalamnan, kasama ang:
- Pangangalaga sa trauma
- Mga serbisyo ng rehabilitasyon
- Pagpapagaling
- Pagpapalit ng kasukasuan
Alamin pa ang tungkol sa Orthopaedic Services (Mga Serbisyong Orthopedic) sa Zuckerberg San Francisco General Hospital.
Humingi ng tulong
Phone
Call Center ng SF Health Network
Ire-redirect ka sa iyong klinik kapag tumawag ka sa numerong ito.
Last updated April 3, 2023