Kumuha ng mga serbisyo ng rehabilitasyon

Kasama sa rehabilitasyon ang occupational, physical, at speech therapy at physiatry.

Anong gagawin

1. Magpatala sa SF Health Network

Iniaalok ang aming mga medikal na serbisyo sa mga pasyente ng SF Health Network. Alamin kung paano magpatala o tingnan kung kwalipikado ka.

2. Pumunta sa iyong doktor para sa referral

Tumawag sa iyong klinik upang magpaiskedyul ng appointment. Pipiliin ng iyong doktor ang pinakamainam na opsyon para sa iyo:

  • Ginagamot sa occupational therapy ang kamay, pulso, at siko
  • Ginagamot sa physical therapy ang mga orthopedic at neurologic na kondisyon na may kaugnayan sa paggalaw, pananakit, o pagkawala ng paggana
  • Ginagamot sa speech therapy ang mga karamdaman sa paglunok, pag-unawa, at pakikipag-ugnayan.
  • Isinasagawa sa physiatry ang mga nerve conduction test (ibig sabihin, EMG)

3. Magpasumite sa iyong doktor ng referral

4. Tumawag upang magpaiskedyul ng appointment

Upang magpa-appointment

Front desk ng serbisyo ng rehabilitasyon

Mga oras ng telepono: Lunes-Biyernes 8:00-4:30pm

Upang mag-iwan ng voicemail sa isang partikular na opisina:

Maaari kang mag-iwan ng voicemail para sa isang partikular na clinician o mag-iwan ng pangkalahatang tanong.  

Voicemail sa physical therapy

Voicemail sa physical therapy ng outpatient

Voicemail sa occupational therapy

Voicemail sa occupational therapy ng outpatient

Voicemail sa speech therapy

Voicemail sa speech therapy ng outpatient

5. Ano ang dapat asahan sa panahon ng iyong pagbisita

  • Ang mga pagbisita ay 30 hanggang 60 minuto
  • Magsuot ng mga komportableng damit 
  • Mangyaring dumating nang 15 minutong maaga upang mag-check in
  • Tingnan ang mga detalye ng lokasyon

Anong mga kondisyon ang ginagamot namin

Anong mga kondisyon ang ginagamot namin

Maaaring makatulong ang therapy na mapahusay ang paggana. Magbasa tungkol sa kung aling paggamot ang maaaring angkop para sa iyo:

  • Mga orthopedic na kondisyon kabilang ang mga strain, pilay, pinsala sa sports, at operasyon.
  • Mga neurological na kondisyon kabilang ang stroke, mga pinsala sa utak, at mga isyu sa nerve.  Nagsasagawa din ang klinik na ito ng mga nerve conduction test sa pamamagitan ng physiatry. 
  • Mga degenerative na sakit gaya ng arthritis.
  • Espesyal na pagsasanay kabilang ang kalusugan ng pelvis, kanser sa suso/lymphedema, pediatrics, at rehabilitasyon ng amputee.

Humingi ng tulong

Phone

Pag-iiskedyul ng appointment

Tumawag sa front desk upang magpaiskedyul ng appointment

Zuckerberg San Francisco General Hospital

Rehabilitation Services
1001 Portrero Avenue
Room 3G3
San Francisco, CA 94110

Mon to Fri, 7:00 am to 4:30 pm

View location on google maps

We are located in Building 5 on the 3rd floor.  The reception room is 3G3. 

Last updated October 27, 2022