Anong gagawin
1. Suriin ang antas ng kita
Ang kabuuang (gross na) kita ng inyong kabahayan bago kaltasan ng buwis ay ginagamit para tukuyin ang inyong pagiging kwalipikado sa kita at pagiging kwalipikado. Ang mga unit na iniaalok sa aming mga programa ay nakadirekta sa maraming iba't ibang antas ng kita. Mayroon ding mga espesyal na kalkulasyon para sa kita, depende sa inyong sitwasyon.
Magkakaiba ang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado ng kita ng iba't ibang ari-arian. Itinatakda ang mga ito ng MOHCD at iba pang nagpopondo. Para suriin ang mga kinakailangan sa kita at iba pang kinakailangan sa pagiging kwalipikado para sa mga pagkakataon sa pabahay, bisitahin ang DAHLIA SF Housing Portal.
2. Itugma ang laki ng sambahayan
Available sa aming mga programa ang iba't ibang laki ng mga unit. Nagsisikap kaming itugma ang laki ng sambahayan sa naaangkop na laki ng unit. Halimbawa, ang isang kabahayang may 1 tao ay hindi isasaalang-alang para sa unit na may 2 o 3 kwarto.
3. Tingnan kung may mga partikular na paghihigpit sa populasyon (para sa ilang unit)
Depende sa unit, posibleng may ilang partikular na paghihigpit sa audience. Halimbawa, mayroon kaming mga unit na partikular na para sa mga senior o beterano.
Espesyal na mga kaso
Para sa mga bibili ng bahay
Para sa mga bibili ng bahay
Para sa mga gustong bumili ng bahay sa pamamagitan ng mga programa ng MOHCD, mayroon din kaming iba pang mga kinakailangan sa pagiging kwalipikado bago kayo mag-apply.
Magbasa rin tungkol sa mga kinakailangan sa bibili ng bahay bago kayo mag-apply.
Para sa mga umuupa
Para sa mga umuupa
Tingnan ang mga available na listing at mag-apply. Puwede rin kayong manghingi ng tulong sa inyong aplikasyon.
Last updated November 17, 2022