Mag-sign up upang makumpleto ang edukasyon ng bibili ng bahay

Upang makabili ng bahay sa tulong ng Lungsod, kailangan ninyong dumalo sa isang oryentasyon, workshop, at pulong kasama ang isang tagapayo sa pabahay.

Anong gagawin

1. Magpasya kung sino ang kailangang dumalo

Sa pangkalahatan, dapat tapusin ng bawat nasa hustong gulang na nakatira sa sambahayan ang edukasyon ng bibili ng bahay. 

Bagama't kailangan ng lahat ng mag-asawa at domestic partner na sumailalim dito, hindi kailangan ng iba pang legal na dependent na may claim sa inyong mga buwis, gaya ng mga bata o nakatatandang magulang, na kunin ang edukasyon ng bibili ng bahay.

2. Mag-sign up para sa libreng oryentasyon

Dapat kayong pumunta sa isang libreng 2 oras ng panimulang session para malaman kung tama para sa inyo ang pagbili ng bahay sa tulong ng Lungsod.

3. Magparehistro para sa isang workshop

Kung magpapasya kayong magpatuloy sa pagbili ng bahay sa tulong ng Lungsod, kakailanganin ninyong sumailalim sa isang 6 na oras na workshop.

Maaari ninyong isagawa ang workshop sa parehong lugar kung saan ninyo ginawa ang inyong oryentasyon. Iniaalok ng ilang ahensya ang lahat ng workshop sa isang araw. Iniaalok ng ilang ahensya ang lahat ng workshop online.

Magparehistro para sa isang workshop

4. Likumin ang inyong mga dokumento

Mangangailangan kayo ng:

  • 3 buwan ng inyong mga pinakakamakailang statement ng bangko
  • 3 taon ng inyong pinakakamakailang returns sa buwis
  • 3 pinakakamakailang paystub

5. Makipagpulong kasama ang isang tagapayo sa pabahay

Personal na makipagpulong sa isang tagapayo sa pabahay, sa parehong lugar kung saan ninyo isinagawa ang inyong workshop. Ang pulong na ito ay tatagal ng 2 oras.

Dalhin ang inyong mga pinansyal na dokumento sa pulong.

6. Kunin ang form ng Pagpapatunay sa Edukasyon ng Bibili ng Bahay

Kinukumpirma ng form na ito na natapos ninyo ang edukasyon ng bibili ng bahay at may bisa ito nang 1 taon.

Dapat kayong maglakip ng form ng pagpapatunay na nakapetsa noong nakaraang taon, kapag mag-a-apply upang bumili ng  bahay.

Kung mahigit isang taon na ang lumipas pagkatapos ninyo itong kunin, makipag-usap sa inyong tagapayo sa pabahay.

Humingi ng tulong

Email

I-email ang info@homeownershipsf.org upang mag-iskedyul ng appointment.

Phone

HomeownershipSF

Last updated June 30, 2022