Anong gagawin
Kadalasan, maaari kang mag-apply para sa pabahay sa abot-kayang programa sa bibili ng bahay kung matutugunan mo ang lahat ng pamantayang nakalista sa page na ito.
1. Unang beses kang bibili ng bahay
Hindi ka maaaring magmay-ari ng anumang residensyal na ari-arian saanman sa loob ng nakaraang 3 taon.
2. Kwalipikado ang iyong kita
Ang kabuuang (gross na) kita ng inyong kabahayan bago kaltasan ng buwis ay hindi lumalampas sa Area Median Income (AMI) ng San Francisco ayon sa laki ng sambahayan at porsyento ng AMI.
Magkakaiba ang mga pagiging kwalipikado ng kita ng iba't ibang ari-arian, pero sa pangkalahatan, 100% itong AMI. (Para sa 2024, ang 100% AMI para sa isang tao ay $8741 kada buwan.) Pakitingnan ang bawat listahan ng BMR na pagmamay-ari o listahan ng City Second para sa mga detalye.
3. Nakakumpleto ka ng edukasyon para sa bibili ng bahay na inaprubahan ng MOHCD
Ang inaprubahan ng MOHCD na edukasyon para sa bibili ng bahay ay 2 oras na libreng oryentasyon sa programa at 6 na oras na kabuuang group workshop na ibinibigay ng mga organisasyon sa pamamagitan ng HomeownershipSF.org.
Makikipagtulungan sa iyo nang 1-on-1 sa loob ng 2 oras ang isang tagapayo sa pabahay mula sa organisasyon kung saan ka nagsasanay. Susuriin niya ang iyong kasaysayan ng pananalapi at tutukuyin ang iyong pagiging kwalipikadong mag-apply. Pamilyar ang mga tagapayo sa aming mga programa, at tutulungan kang magplano at mag-budget. Maaari kang pumili sa listahan ng mga non-profit na ahensya sa pagpapayo sa pabahay para sa pagmamay-ari ng bahay.
Tingnan ang mga detalye at kinakailangan ng edukasyon para sa bibili ng bahay, kabilang ang kung paano magparehistro.
Basahin ang Mga Kinakailangan at FAQ ng Edukasyon para sa Bibili ng Bahay para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kinakailangan at madalas itanong tungkol sa edukasyon para sa bibili ng bahay.
4. Pauna kang inaprubahan sa isang pautang sa mortgage ng tagapag-pautang na inaprubahan ng MOHCD
Titingnan ng tagapag-pautang na pinili mong makatulong ang kalagayan ng iyong pananalapi, gamit ang hanggang:
- 3 buwan ng iyong mga pinakahuling statement ng bangko
- 3 taon ng iyong pinakahuling returns sa buwis
- 3 pinakahuling paystub
Ang iyong liham na paunang pag-apruba sa pautang sa mortgage ay dapat may petsang nasa loob ng nakalipas na 120 araw para makapag-apply para sa anumang listahan ng pagmamay-ari ng bahay.
Tingnan ang kasalukuyang listahan ng mga tagapag-pautang na inaprubahan ng MOHCD para sa programang Mababa sa Presyo ng Merkado na pagmamay-ari ng bahay.
5. Mayroon kang sapat na ipon para sa mga bayarin at gastos sa pagbili ng bahay at paunang bayad
Tutulungan ka ng iyong tagapayo sa pabahay na alamin kung magkano ang kailangan mo. Tandaang sa mga bayad sa mortgage, magkakaroon din ang iyong yunit ng buwanang bayad sa Homeowners Association (HOA) na posibleng tumaas taon-taon.
Para sa mga detalyadong kinakailangan sa pagiging kwalipikado, tingnan ang kasalukuyang Manual ng Pagsubaybay at Mga Procedure ng Programa ng Panglahatang Abot-kayang Pabahay (PDF). Tingnan ang seksyong may pamagat na "Programang Mababa sa Presyo ng Merkado (Below Market Rate, BMR) na Pagmamay-ari ng Bahay."
Mag-sign up para makatanggap ng mga alerto sa email para sa pabahay ng MOHCD
Last updated May 7, 2024