Mag-apply para sa Pautang para sa First Responder o Educator para bumili ng bahay

Ang mga tauhan ng SFUSD, Pulisya, Bumbero, at Sheriff ay puwedeng humiram ng hanggang $375,000 sa isang paunang bayad para bumili ng bahay na nasa presyo sa market.

Anong gagawin

Posibleng abutin ng 5 buwan o higit pa ang pagbili, pagsusuri, at pag-close.

1. Alamin kung puwede kayong mag-apply bilang first responder o educator

Makakapag-apply kayo bilang first responder kung kayo ay aktibo, naka-uniporme, at nanumpang miyembro ng alinman sa mga departamento ng San Francisco na:

  • Departamento ng Pulisya ng San Francisco (San Francisco Police Department, SFPD)
  • Departamento ng Bumbero ng San Francisco (San Francisco Fire Department, SFFD)
  • Departamento ng Sheriff ng San Francisco (San Francisco Sheriff’s Department, SFSD)

Makakapag-apply kayo bilang educator kung kasalukuyang kayong empleyado ng SFUSD, kabilang ang departamento para sa Maagang Edukasyon. Kasama rito ang mga miyembro ng Samahan ng Mga Educator ng San Francisco (United Educators of San Francisco, UESF), gaya ng:

  • Mga Guro
  • Mga paraprofessional
  • Mga counselor
  • Mga dekano
  • Mga nars
  • Mga speech pathologist
  • Mga psychologist
  • Mga behavioral analyst
  • Mga social worker
  • Special education
  • Mga content specialist
  • Mga librarian

2. Alamin ang mga kinakailangan sa kita at residency

Nakadepende ang halagang puwede ninyong hiramin sa kung magkano ang kailangan ninyo.

Hindi puwedeng nagmay-ari kayo ng anumang residential na propyedad sa San Francisco sa loob ng nakaraang 3 taon. 

Mas mababa dapat sa isang partikular na halaga ang kinikita ng inyong sambahayan. Nakadepende ang maximum na halaga sa bilang ng tao sa inyong sambahayan.

  • Para sa 1 tao, $179,300
  • Para sa 2 tao, $205,000
  • Para sa 3 tao, $230,600
  • Para sa 4 tao, $256,200
  • Para sa 5 tao, $276,700
  • Para sa 6 tao, $297,200
  • Para sa 7 tao, $317,700
  • Para sa 8 tao, $338,200
  • Para sa 9 tao, $358,700

Bago kayo mag-apply, kailangan ninyong sumailalim sa edukasyon para sa bibili ng bahay at kumuha ng liham na paunang pag-apruba sa pautang sa mortgage mula sa isang aprubadong tagapag-pautang.

3. Mag-apply para sa lottery

Kakailanganin ninyo ang mga sumusunod na dokumento:

  • Paystub o liham mula sa iyong employer, na nagsasaad ng inyong posisyon sa trabaho
  • Liham na paunang pag-apruba sa pautang, na may petsang nasa nakalipas na 120 araw
  • Pag-verify sa edukasyon para sa bibili ng bahay, na may petsang nasa nakalipas na taon

Mapupunta sa iisang lottery ang mga aplikasyon mula sa pangkalahatang publiko, first responder, at educator.

Huwag magsumite ng isa pang aplikasyon bilang miyembro ng pangkalahatang publiko. Kung gagawin ninyo iyon, posibleng alisin sa lottery ang lahat ng inyong aplikasyon.

Nagsara na ang panahon ng aplikasyon. Mag-sign up para sa mailing list ng MOHCD para makatanggap ng alerto sa email kapag nagbukas ang susunod na round ng Pautang para sa First Responder o Educator.

Pagkatapos ninyong mag-apply

  1. Kung mag-apply kayo bago ang deadline, makakatanggap kayo ng numero sa lottery. Ipoproseso namin ang mga aplikasyon batay sa pagkakasunud-sunod ng rank sa lottery. Magbasa pa tungkol sa lottery ng DALP
  2. Kapag ang aplikasyon na ninyo ang inaayos namin, kakailanganin ninyong sumagot ng mas detalyadong form at magbigay ng higit pang papeles.
  3. Kung matutukoy naming kwalipikado ang inyong kita, magbibigay kami ng liham na paunang pag-apruba at irereserba namin ang pondo para sa inyo. Mayroon kayong 90 araw para pumasok sa isang kontrata sa pagbebenta para sa anumang propyedad na nasa open market.
  4. Magbabayad kayo ng hindi mare-refund na bayarin para maproseso ang papeles. Kokolektahin ito kapag naisumite ng inyong tagapag-pautang ang packet ng pautang. 
  5. May 30 araw ang inyong tagapag-pautang para isumite ang packet ng pautang. Aabutin kami ng 15 araw para masuri ito.
  6. Bibigyan namin kayo ng liham na pangako sa pautang. Ang liham na ito ay nagbibigay ng 30 araw para i-close ang pagbebenta.

Bayaran ang pautang kapag naibenta na ninyo ang inyong bahay

Ang DALP ay isang silent second loan na hindi nangangailangan ng buwanang pagbabayad. 

Puwede niyong ibenta ang inyong bahay sa mga presyong nasa market. Kapag magbebenta kayo, babayaran ninyo ang pangunahing halaga, at equitable na bahagi sa apppreciation. Tingnan ang mga detalyadong tuntunin ng pautang.

Humingi ng tulong

Makatanggap ng mga alerto sa email para sa mga bagong oportunidad sa pabahay

Phone

HomeownershipSF

Last updated November 21, 2022