Anong gagawin
1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo
Ang inyong negosyo ay dapat na:
- Mayroong storefront
- Magkaroon ng hindi hihigit sa $2.5M sa kabuuang kita sa pinakakamakailan ninyong tax return
- Magkaroon ng may-ari mula sa kabahayan na mababa o napakababa ng sweldo o maging isang non-profit
2. Mangtipon ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo
Tatanungin namin kayo tungkol sa:
- Inyong Account Number ng Negosyo (Business Account Number, BAN). Kung hindi ninyo ito alam, pwede ninyo itong hanapin.
- Ang inyong kabuuang kita sa pinakakamakailan ninyong tax return
- Kasalukuyang bilang ng full-time at part-time na empleyado
3. Alamin ang kinikita ng sambahayan ng may-ari ng negosyo
Maging kwalipikado dapat ang sambahayan ng may-ari ng negosyo bilang mababa o napakababa ng sweldo, batay sa Area Median Income.
Laki ng sambahayan
Tatanugnin namin kayo kung ilan kayo sa inyong sambahayan. Ang sambahayan ay tumutukoy sa iisang tao o grupo ng mga taong magkakasama sa isang tirahan, anuman ang kanilang aktwal o kinikilalang sekswal na oryentasyon, sekswal na pagkakakilanlan, o katayuan sa pag-aasawa.
Kinikita ng sambahayan
Tatanungin din namin kayo tungkol sa kinikita ng lahat ng matanda sa inyong sambahayan. Gamitin ang inyong 2021 na tax return kung naghain kayo o tantiyahin ninyo ang inyong kabuuang kita para sa huling 12 buwan.
4. Mag-apply
Iaatas din sa inyong sumang-ayon sa aming mga legal na tuntunin.
Aabutin ito nang humigit-kumulang 15 minuto.
5. Ano ang aasahan pagkatapos ninyong mag-apply
Magpadala kami sa inyo ng email ng kumpirmasyon.
Mag-e-email kami sa inyo sa loob ng 30 araw para ipaalam sa inyo ang katayuan ng inyong aplikasyon.
Kung matanggap, ipapares kayo ng programa sa isang lisensyadong architect na magbibigay ng mga drawing para tumulong sa konstruksyon.
Humingi ng tulong
Last updated October 23, 2023