Mag-apply para sa "cottage food" permit

Puwede kayong magbenta ng ilang partikular na pagkaing mababa ang panganib na ginagawa sa inyong bahay sa mga customer at food market kung mayroon kayong ganitong permit.

Anong gagawin

1. Siguraduhing nagawa na ninyo ang iba pang hakbang bago mag-apply

Bago kayo mag-apply para sa inyong "cottage food" permit, siguraduhing nagawa na ninyo ang mga sumusunod:

  • Nairehistro na ninyo ang inyong negosyo
  • Nakuha na ninyo ang inyong food handler certificate

Tingnan ang lahat ng hakbang sa proseso

2. Tukuyin kung aling permit ang kailangan ninyo

May 2 uri ng permit na nagbibigay-daan sa inyong magbenta ng pagkaing ginagawa ninyo sa inyong bahay:

  • Class A: Pagbebenta nang direkta sa mga tao (mga indibidwal na customer)
    Limitado ang mga benta sa $75,000 kada taon
     
  • Class B: Pagbebenta sa mga tao at lokasyon ng retail (mga palengke, panaderya, restaurant)
    Limitado ang mga benta sa $150,000 kada taon

Alamin pa ang tungkol sa mga kinakailangan sa cottage food sa California.

3. Sagutan ang application packet

Ang unang page ay may checklist kung nasaan ang lahat ng kailangan ninyong isama kapag isinumite ninyo ang inyong aplikasyon.

Kasama rito ang mga form tulad ng referral sa zoning na mayroon dapat kayo para makapagbukas kayo ng inyong negosyo.

I-download at sagutan ang mga form ng aplikasyon para sa cottage food.

Humingi ng tulong

Phone

Zack Parsons

email: Zack.Parsons@sfdph.org

Programa sa kaligtasan ng pagkain

Sangay para sa Pangkapaligirang Kalusugan,
Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco

Last updated October 27, 2023