Mag-apply na maging DreamSF fellow

Ang DreamSF Fellowship ay isang may bayad na programa sa pamumuno at pakikipag-ugnayang sibiko para sa kabataang imigrante. Mag-apply nang Pebrero bawat taon.

Anong gagawin

Pagiging kwalipikado

Puwede kang mag-apply kung ikaw ay:

  • mahigit 18 taong gulang
  • nakatira sa Bay Area
  • available 20 oras sa isang linggo
  • available mula 9 am hanggang 12:30 pm tuwing Biyernes
  • magaling sa English
  • Maganda kung matatas sa pangalawang wika pero hindi ito kinakailangan

Kailangan mo ring pumasok sa 2 o 4 na taong kolehiyo. Ikaw dapat ay:

  • Kasalukuyang naka-enroll
  • Nagbabalak na mag-enroll
  • O nagtapos kamakailan 

Puwede kang mag-apply anuman ang iyong status sa imigrasyon. 

Ang kakailanganin mo

Ang kakailanganin mo

Mga Sanaysay

Para makapag-apply, kakailanganin mong sumagot sa 2 tanong na may maikling sagot na may humigit-kumulang 250 salita bawat isa at 3 sanaysay na may humigit-kumulang 500 salita bawat isa. 

Ang mga tanong na may maikling sagot at paksa ng sanaysay ay tungkol sa: 

  • Iyong mga propesyonal na kakayahan, layunin, at interes
  • Ang papel na ginampanan ng migrasyon sa iyong buhay
  • Isang halimbawa ng personal na paglago 

 

Basahin ang lahat ng tanong sa aplikasyon dito

Ang mangyayari pagkatapos mong mag-apply

Mag-i-email kami sa iyo tungkol sa iyong aplikasyon sa kalagitnaan hanggang katapusan ng Mayo.

Kung mapipili ka bilang semi-finalist, magkakaroon ka ng panggrupo at indibidwal na panayam.

Kung mapipili ka para sa fellowship, magsisimula ka sa Hulyo 2022. 

Bakit kami nag-aalok ng mga fellowship sa mga imigrante?

Sinusuportahan ng DreamSF Fellowship ang mga kabataang imigranteng propesyonal sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga organisasyong tumutulong sa komunidad ng mga imigrante ng San Francisco. 

Humingi ng tulong

Opisina ng Sibikang Pakikilahok at para sa Kapakanan ng mga Imigrante

1155 Market Street, First Floor
San Francisco, CA 94103
View location on google maps

Phone

OCEIA

Last updated May 12, 2022