Isumite ang inyong plano para magsimula ng mobile food facility

Bago kayo kumuha ng permit para sa mobile food facility, dapat masuri at maaprubahan ng departamento ng kalusugan ang inyong mga plano.

Anong gagawin

Para matugunan ang batas sa California, kailangan ninyong ipasuri ang inyong plano kapag ang inyong food truck o cart aybagong-bago,ire-remodel, o kaya ayhindi pa napapatakbo sa San Francisco.

1. Mangalap ng kinakailangang impormasyon

Kapag ipinadala ninyo ang inyong plano, kakailanganin ninyong magsama ng impormasyon tungkol sa:

  • Uri ng mobile food facility na mayroon kayo
  • Lahat ng pagkaing plano ninyong ihain (ang inyong menu)
  • Kung paano, saan, at kailan ihahanda ang pagkain
  • Mga floor plan na iginuhit ayon sa sukat (mga schematic diagram)

Magkaroon ng pangkalahatang-ideya ng kailangan ninyong isumite.

2. I-download at punan ang form

Susuriin namin ang inyong plano para sa inyong food truck o cart.

Aplikasyon para sa pagsusuri ng plano para sa mobile food facility (MFF)

3. Ipadala sa amin ang inyong form

Ipadala ang inyong nasagutang form ng aplikasyon para sa pagsusuri ng plano sa programa sa Kaligtasan ng Pagkain sa:

Environmental Health

49 South Van Ness Avenue
Suite 600
San Francisco, CA 94103
View location on google maps

4. Maghintay na makatanggap ng sagot

Huwag simulan ang pagtatayo, pag-remodel, o iba pang malalaking hakbang hangga't wala kayong natatanggap na balita mula sa amin.

 

Humingi ng tulong

Phone

Programa sa kaligtasan ng pagkain

Sangay para sa Pangkapaligirang Kalusugan,
Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco

Last updated April 24, 2024