Anong gagawin
1. Magpahanda ng ulat sa pagsunod sa isang lisensyadong propesyonal sa gusali
Ang propesyonal ay maaaring isang kontratista, inhinyero, arkitekto, o lisensyadong consultant sa gusali.
Dapat isadokumento ng ulat kung paano mo tinutupad ang iyong mga obligasyon bilang may-ari ng isang bakanteng storefront.
2. I-print at sagutan ang PDF na aplikasyon
Hihilingin namin sa iyo na:
- Impormasyon ng may-ari ng ari-arian
- Paano mo nilagyan ng seguridad ang ari-arian laban sa hindi awtorisadong pagpasok
- Ang iyong mga plano para sa ari-arian sa hinaharap
- Pangalan ng iyong provider ng insurance sa sunog at pananagutan
- Impormasyon ng tagapagpautang kung ang ari-arian ay may abiso ng pag-default o pagreremata
3. Ibigay sa amin ang iyong aplikasyon, mga dokumento, at bayad
Isama ang:
- Ulat sa pagsunod ng lisensyadong propesyonal sa gusali
- PDF na aplikasyon para sa bakanteng gusali
- Kopya ng iyong mga dokumento ng policy ng insurance sa sunog at pananagutan
- Bayad — kung cashier’s check o money order ang gagamitin mo, ipangalan ito sa "SF Department of Building Inspection" o "CCSF_DBI"
Maaari mong ipadala sa koreo ang packet o ihatid ito nang personal sa aming opisina.
Department of Building Inspection
Code Enforcement Section49 South Van Ness
Suite 400
San Francisco, CA 94103
Pagkatapos mong magparehistro
Makikipag-ugnayan kami sa iyo para mag-iskedyul ng inspeksyon para matiyak na natutugnan ang mga kinakailangan sa bakanteng gusali.
Espesyal na mga kaso
Nakabinbing pag-upa o bentahan
Nakabinbing pag-upa o bentahan
Hindi mo kailangang magparehistro kung may nakabinbing pag-upa o bentahan sa ari-arian. Kakailanganin mong magpadala ng patunay na nagsasadokumento ng pag-upa o nakabinbing bentahan, tulad ng MLS number o kopya ng pag-upa.
Humingi ng tulong
Seksyon ng Pagpapatupad ng Kodigo
Phone
Seksyon ng Pagpapatupad ng Kodigo
Last updated February 6, 2024