Anong gagawin
1. Mag-apply na maging organizer ng kaganapan ng estado o makisosyo sa isa sa mga ito
Mga lisensyadong Organizer lang ng Kaganapan ng Cannabis ang maaaring mag-apply para sa isang permit ng Pansamantalang Kaganapan ng Negosyo ng Cannabis. Maaari kayong mag-apply na maging ganoon mismo, o makisosyo sa isang Organizer ng Kaganapan ng Cannabis.
Kung mag-a-apply kayo mismo, mangangailangan kayo ng pagsusuri sa pinagmumulan.
2. Kumuha ng liham ng awtorisasyon mula sa Office of Cannabis
Mag-email sa Office of Cannabis
Hingin ang liham na ito ng awtorisasyon 90 araw bago ang inyong kaganapan. Ilalakip ninyo ang liham na ito kapag nag-a-apply para sa permit ng kaganapan ng estado.
3. Magpasya kung ilan ang gusto ninyong dumalo
Depende ang bayarin sa permit sa kung gaano karami ang pinaplano ninyong dadalo sa inyong kaganapan:
- Para sa 500 o mas kaunting tao, $500
- Para sa 501 hanggang 1000 tao, $1,000
- Para sa 1001 hanggang 2500 tao, $1,500
- Para sa mahigit 2500 tao, $3,000
4. Makakuha ng impormasyon mula sa inyong mga vendor
Hihingan namin kayo ng impormasyon tungkol sa mga negosyo ng cannabis sa inyong kaganapan. Kabilang dito ang mga retailer, distributor, exhibitor, o advertiser. Maaaring pumunta sa inyong kaganapan ang mga nagmamanupaktura at cultivator, kung mga exhibitor sila.
Kakailanganin ninyong hingan ang inyong mga vendor ng cannabis ng:
- Tao kung kanino maaaring makipag-ugnayan na pupunta sa lugar at makakausap sa telepono sa panahon ng kaganapan
- Numero ng permit ng cannabis, kung nakabase sila sa San Francisco
- Digital na kopya ng mga pang-estado at lokal na lisensya, kung nakabase sila sa labas ng San Francisco
- Listahan ng lahat ng empleyadong magbebenta ng mga produktong cannabis
5. Iguhit ang diagram ng inyong lugar
Mag-a-upload kayo ng diagram ng lugara ng lokasyon ng inyong kaganapan. Naka-scale dapat ito at black and white.
Dapat ipakita ng diagram:
- kung saan sa lokasyon mangyayari ang kaganapan
- ang mga pasukan at labasang gagamitin ng mga dadalo
- ang pangunahing daan ng biyahe sa inyong kaganapan
- ang mga lugar ng pagkonsumo ng cannabis, kung nalalapat
- kung saan ibebenta ang mga produktong cannabis
- kung saan iiimbak ang basura ng cannabis
- kung saan iiimbak ang mga produktong cannabis
- kung saan isasakay at ibababa ang cannabis sa paghahanda at pagliligpit ng kaganapan
- ang mga may numerong lokasyon ng booth na may mga pangalan ng negosyo ng bawat vendor ng cannabis
- ang mga lokasyon ng mga pang-emergency na serbisyo, kabilang ang mga ambulansya
6. Mag-apply para sa permit sa event ng estado
Isumite ang aplikasyong ito 60 araw bago ang inyong kaganapan.
Ia-upload ninyo ang liham ng awtorisasyon mula sa Tanggapan para sa Cannabis ng San Francisco, pati ang impormasyon ng inyong kaganapan.
Mag-apply para sa lisensya ng Pansamantalang Kaganapan ng Cannabis sa Bureau of Cannabis Control (Kawanihan ng Kontrol sa Cannabis).
7. Mag-apply para sa permit ng San Francisco para sa kaganapan
Kailangan ninyong tapusin ang aplikasyong ito 1 buwan bago ang inyong kaganapan.
Mag-email sa Office of Cannabis para sa link sa aplikasyon.
Humingi ng tulong
Office of Cannabis
Last updated June 30, 2022