Mag-set up ng istasyon sa paghugas ng kamay para sa pansamantalang food booth

Dapat ay mayroon kayong istasyon sa paghugas ng kamay na may maligamgam na tubig malapit sa anumang booth kung saan naghahanda o nagsa-sample ng pagkain.

Karamihan ng mga booth ay nangangailangan ng istasyon sa paghugas ng kamay

Kailangan ninyo ng istasyon sa paghugas ng kamay sa bawat booth kung saan naghahanda o nagsa-sample ng pagkain ang mga tao.

Kung wala kayong access sa permanenteng lababo na may mainit at malamig na tubig, mag-set up ng alternatibong istasyon na may:

  • Maligamgam na maiinom na tubig (100 hanggang 108 degrees Fahrenheit) gamit ang:
    • insulated na food-grade container na nagpapanatiling mainit ng tubig sa buong event
    • hands-free spigot na nananatiling bukas at dumadaloy habang naghuhugas ng kamay
  • Liquid hand soap
  • Mga single-use na paper towel
  • Container para sa maruming tubig (may kapasidad na limang galon)
  • Basurahan
Warm water jug on a table flows into a wastewater container, with a paper towels, soap, and a garbage can nearby.

Siguraduhing mayroon kayong maligamgam na tubig (100 hanggang 108 degrees Fahrenheit)

  • Punuin muna ang inyong container ng maligamgam na tubig sa isang aprubadong pasilidad ng pagkain at dalhin ito sa event.
    o kaya
  • Magpainit ng tubig sa event gamit ang cooking range o electric kettle.

Gumamit ng hands-free na water spigot

Kung may push-button spigot ang kasalukuyan ninyong container ng tubig, palitan ito ng lever-type spigot.

Makakabili kayo ng mga spigot sa karamihan ng mga manufacturer o tindahang nagbebenta ng mga insulated na container ng tubig.

Food grade dapat ang lahat ng gagamiting materyales.

Mga pinapayagang container at spigot

Multi-gallon jugs with spigots that look similar to those used at sporting events.

Hindi ninyo kailangan ng istasyon sa paghugas ng kamay sa inyong booth kung mga naka-pack na pagkain lang ang ibebenta ninyo nang walang anumang sample. At kung beer at wine lang ang ibebenta ninyo, hindi ninyo kailangan ng maligamgam na tubig.

Makipag-ugnayan sa amin

Kyle Chan

Senior Environmental Health Inspector
415-252-3837

Aron Wong

Senior Environmental Health Inspector
415-252-3913

ehtempevents@sfdph.org

Last updated October 25, 2023