Pagbabakuna ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa San Francisco

Saan makukuha ang iyong bakuna laban sa COVID-19 sa San Francisco (SF). Kwalipikado ang mga manggagawa at tagabigay-alaga sa pangangalagang pangkalusugan kung nakatira o nagtatrabaho sila sa SF.

Available na ngayon ang bakuna para sa lahat ng manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan (healthcare worker, HCW) at tagabigay-alaga.

May iba't ibang paraan para ma-access ang bakuna depende sa iyong lugar ng trabaho.

 

Mga ospital

Employer mo ang magbibigay sa bakuna. 

Makipag-ugnayan sa iyong employer para sa mga detalye.

Mga pasilidad ng pag-aalaga at para sa pangangalaga ng mga nakatatanda

Kasama sa mga pasilidad na ito ang:

  • Mga pasilidad ng sanay na pag-aalaga
  • Mga pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga 
  • Mga pasilidad para sa assisted living
  • Mga residensyal na pasilidad ng pangangalaga para sa mga nakatatanda  

Sa pamamagitan ng Pakikipagtulungan ng Pederal sa Mga Parmasya gaya ng Walgreens at CVS, o sa tulong ng mga alternatibong pagsasaayos na ginawa ng iyong employer ibibigay ang bakuna.

Makipag-ugnayan sa iyong employer para sa mga detalye.

Mga paramedic at pang-emergency na medikal na technician (emergency medical technician, EMT)

Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco ang magbibigay sa bakuna.

Makipag-ugnayan sa iyong employer para sa mga detalye.

Mga center para sa dialysis

Employer mo ang magbibigay sa bakuna.

Makipag-ugnayan sa iyong employer para sa mga detalye.

Mga serbisyo para sa kalusugan sa tahanan at serbisyong pangangalaga sa tahanan at pansuportang serbisyo sa tahanan

Makipag-ugnayan muna sa iyong karaniwang provider ng pangangalagang pangkalusugan. Marami ang sumang-ayon na bakunahan ang kanilang mga pasyente na kwalipikado sa ilalim ng Phase 1a.

Kung hindi maiaalok ng iyong karaniwang provider ng pangangalagang pangkalusugan ang bakuna, tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano i-access ang bakuna.

Kung magbibigay ka ng pangangalaga sa tahanan o personal na pangangalaga na mga serbisyo para sa isang tao, i-download ang attestation form na ito. Ang taong inaalagaan mo (o ang kanilang signatory) ay kailangang punan at lagdaan ito. Dalhin ang nakumpletong form sa iyong appointment sa pagbabakuna. Ito ay nagpapatunay na ikaw ay kwalipikado na mabakunahan.

Kung ikaw ay dumaan gamit ang Regional Center, gamitin ang form na ibinigay ng iyong Regional Center para patunayan na kwalipikado ka.

Mga outpatient na pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan at pangangalaga ng ngipin

Mayroon kang ilang opsyon:

  • Para sa mga tanggapan at klinikang affiliated sa isang ospital: Makipag-ugnayan sa iyong ospital para malaman kung nag-aalok ito ng bakuna para sa mga affiliated na outpatient na manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.
  • Ang mga tanggapan at klinikang may hindi bababa sa 30 tauhang dapat mabakunahan ay puwedeng mag-sign up para makatanggap at makapagbigay ng mga bakuna.
  • Makipag-ugnayan sa iyong karaniwang provider ng pangangalagang pangkalusugan. Marami nang sumang-ayong bakunahan ang kanilang mga pasyente na mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.
  • Kung hindi puwede ang iba pang opsyon, tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano i-access ang bakuna

Mga parmasya

Makipag-ugnayan muna sa iyong employer. Makakatanggap ang mga chain na parmasya ng mga bakuna para sa kanilang mga empleyado. Ang mga independent na parmasyang may hindi bababa sa 30 tauhang dapat mabakunahan ay puwedeng mag-sign up para makatanggap at makapagbigay ng mga bakuna.

Pagkatapos, makipag-ugnayan sa iyong karaniwang provider ng pangangalagang pangkalusugan. Marami nang sumang-ayong bakunahan ang kanilang mga pasyente na mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.

Kung hindi puwede ang iba pang opsyon, tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano i-access ang bakuna.

Lahat ng iba pang kwalipikadong manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan

Makipag-ugnayan muna sa iyong employer para malaman kung iniaalok nila ang bakuna.

Pagkatapos, makipag-ugnayan sa iyong karaniwang provider ng pangangalagang pangkalusugan. Marami nang sumang-ayong bakunahan ang kanilang mga pasyente na mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.

Kung hindi puwede ang alinman sa iba pang opsyon, tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa kung paano i-access ang bakuna.

Last updated February 24, 2021