Kung mag-a-apply rin kayo para gamitin ang parking lane, dapat din ninyong sundin ang mga patakaran sa Shared Spaces na parking lane.
Saan ninyo magagamit ang bangketa:
Sa pamamagitan ng permit sa Shared Spaces na bangketa, puwede ninyong gamitin ang bangketa sa harap ng inyong negosyo o organisasyon. Puwede rin ninyong gamitin ang espasyo sa harap ng iba pang kalapit na lokasyon nang may pahintulot mula sa organisasyong nasa unang palapag.
Kailangan ninyo ng pahintulot ng inyong kapitbahay para gumamit ng espasyong nasa harap ng kanilang negosyo.
Huwag tayuan o markahan ang bangketa
Hindi kayo puwedeng magpatayo sa bangketa. Hindi ninyo puwedeng iturnilyo o ikabit ang inyong muwebles sa bangketa. Dapat ninyong ipasok ang lahat kapag nagsara kayo araw-araw.
Hindi kayo puwedeng maglagay ng mga sticker o spray paint sa bangketa, maliban para sa mga marka para sa social distancing.
Pang-emergency na access
Para sa kaligtasan, laging kailangan ng mga rumeresponde sa emergency ng access sa pang-emergency na imprastraktura, gaya ng mga fire hydrant.
Dapat matugunan ng plano ng inyong site ang aming mga kinakailangang clearance:
- Ang mga fire hydrant ay dapat magkaroon ng 5 talampakang clearance sa lahat ng direksyon
- Ang mga hagdan sa fire escape ay dapat magkaroon ng 4 na talampakang clearance sa lahat ng direksyon sa paligid ng hagdan
- Ang mga koneksyon sa Departamento ng Bumbero (gaya ng mga standpipe) ay dapat magkaroon ng 3 talampakang clearance sa lahat ng direksyon
Mga bus stop zone
Hindi kayo puwedeng maglagay ng kahit ano sa isang bus stop zone o sa loob ng 10 talampakan mula sa isang bus shelter.
Ang inyong espasyo
Walang harang na daanan
Dapat kayong magpanatili ng 6 na talampakan (o 8 talampakan kapag pisikal na posible) na daanang walang harang sa inyong sidewalk. Ang daanang ito ay dapat diretso at laging walang harang.
Mga diverter
Dapat kayong maglagay ng mga diverter sa magkabilang dulo ng inyong Shared Space na bangketa.
Nakakatulong ang mga diverter sa mga taong bulag o mahina ang paningin na kumilos sa espasyo sa kanilang paligid.
Tingnan ang mga detalye tungkol sa mga diverter sa manual ng Shared Spaces.
Walang dapat lumampas sa mga diverter sa anumang punto. Tumingin pa ng mga detalye sa Pagkakaayos ng Mesa at Mga Upuan sa Café, Seksyon III. K.
Espasyo para sa mga naka-wheelchair at mga accessible na mesa at counter
Dapat ay mayroon kayong kahit 1 accessible na mesa na available para sa mga naka-wheelchair.
Ang mesa ay dapat:
- Mula 28 hanggang 34 na pulgada ang taas
- May hindi bababa sa 27 pulgadang espasyo mula sa sahig hanggang sa ilalim ng mesa
- May espasyo para sa tuhod na hindi bababa sa 19 pulgada sa ilalim ng mesa
- May walang harang na espasyo sa sahig na 30 pulgada sa 48 pulgada ang sukat kada upuan
- Nasa hindi bababa sa 4 na talampakan mula sa pinakamalapit na harang
- May label na nagpapakita ng Internasyonal na Simbolo ng Accessibility (International Symbol of Accessibility)
Dapat ninyong siguraduhin na may accessible na daanan papunta sa mesa.
Mga propane heater
Dapat kayong humingi ng pag-apruba mula sa Departamento ng Bumbero para sa anumang portable heater, portable generator, kandila, bukas na apoy, o anumang aktibidad na kontrolado ng Kodigo sa Sunog.
Mag-apply para sa permit sa pagpapatakbo mula sa Departamento ng Bumbero.
Mga bagay na nasa itaas
Ang lahat ng bagay na nakasabit o nasa itaas, gaya ng mga umbrella o canopy, ay hindi dapat kukulangin sa 7 talampakan ang taas mula sa lupa.
Ang base ng isang bagay na nasa itaas, gaya ng umbrella, ay hindi puwedeng lumampas sa mga diverter.
Mga tray at cart
Huwag maglagay o magtago ng mga tray o cart ng pagkain, lalagyan para sa maruruming pinggan, mga tray o cart para sa mga mantel at kubyertos, at mga appliance na panluto sa may bangketa.
Mga basurahan
Dapat kang magbigay ng basurahan, pang-recycle, at pang-compost sa may bangketa. Dapat ipasok ang mga ito kapag nagsara ang tindahan araw-araw.