pang-emergency na proteksiyon para sa tenant kaugnay ng COVID-19

Kung makakabayad ka ng upa, gawin mo. Pero, kung hindi ka makakabayad at pinapaalis ka ng landlord mo, makakatulong ang mga proteksiyong ito para hindi ka mapaalis.

Mga dapat malaman

Higit sa lahat, huwag umalis! Mayroon kayong mga karapatan at available ang libreng legal at pinansyal na tulong. Bisitahin ang aming page na Mga Sanggunian ng Relief sa Pagrenta para makahanap ng community-based na partner malapit sa inyo.

Ang mga pagkilos ng gobyerno na inilalarawan sa ibaba ay mahirap maunawaan. Kung makatanggap kayo ng mga dokumento sa eviction, agad dapat kayong makipag-ugnayan sa Eviction Defense Collaborative sa (415) 659-9184 o legal@evictiondefense.org, o bisitahin ang EDC sa 1338 Mission St. tuwing Lunes, Miyerkules, o Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm. Ikokonekta nila kayo sa isang abogado. Kung kailangan ninyo ng payo tungkol sa isang partikular na sitwasyon, puwede rin kayong makipag-ugnayan sa Lupon para sa Pagpapaupa, sa isang tagapamagitan, o sa isang tagapayo ng nangungupahan para sa higit pang impormasyon. 

Tandaan, utang pa rin ang upa – sisingilin pa rin ito o hindi ito kinansela. Dapat kayong sumagot sa anumang abiso sa hindi pagbayad mula sa nagpapaupa bago ito mag-expire, at mag-apply para sa tulong sa pagrenta sa lalong madaling panahon.

Bagong Batas ng Estado Simula Abril 1, 2022

Simula Abril 1, 2022, walang proteksyon sa eviction para sa mga nangungupahang hindi makakapagbayad ng upa na kailangan nang bayaran sa o pagkatapos ng petsang ito. Ang lokal na moratoriyum sa eviction ng San Francisco, na nagkakaisang ipinasa ng aming Board of Supervisors at nilagdaan ni Mayor Breed, ay naalis ng isang batas ng estado na nagkaroon ng bisa noong Abril 1, 2022, AB 2179.

Gayunpaman, available ang libreng legal at pinansyal na tulong!  Huwag umalis! Mayroon kayong mga karapatan at available ang libreng legal at pinansyal na tulong! Bisitahin ang aming page na mga sanggunian ng relief sa pagrenta para humingi ng tulong.

Para sa mga nangungupahang may nakabinbing aplikasyon sa CA COVID-19 Rent Relief Program:

Sa ilalim ng batas ng estado na AB 2179 at hanggang Hunyo 30, 2022, ang mga nagpapaupa na nais magsagawa ng eviction ay dapat makapagpakita sa hukuman sa panahon ng paghahain ng papeles sa eviction na ang nangungupahang gusto nilang i-evict ay walang nakabinbing aplikasyon sa CA COVID-19 Rent Relief Program o tinanggihan ng tulong ng programang ito - Kung hindi, hindi itutuloy ng hukuman ang kaso. Kahit na ituloy ng hukuman ang kaso, ihihinto ng isang nakabinbing aplikasyon ang legal na proseso.

Ang CA COVID-19 Rent Relief Program, isang programa ng estado, ay sumasaklaw lang sa panahong Abril 1, 2020 – Marso 31, 2022. Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagrenta para sa panahon pagkatapos ng Marso 31, 2022, mag-apply sa aming lokal na programa, San Francisco Emergency Rental Assistance Program (SF ERAP).

Kung napatawan kayo ng isang abiso sa eviction o ng kaso, makipag-ugnayan kaagad sa Eviction Defense Collaborative para matulungan kayo sa legal na proseso: tumawag sa 415-659-9184, mag-email sa legal@evictiondefense.org, o bumisita nang personal sa 1338 Mission Street (Lunes, Miyerkules at Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm).

Para sa mga nangungupahang walang nakabinbing aplikasyon sa CA COVID-19 Rent Relief Program:

Ang mga nagpapaupang nais magsagawa ng eviction ay makakapagpatuloy sa dati nilang gawi bago ang pandemya. Napakabilis ng legal na prosesong ito at mahirap itong harapin nang mag-isa, pero hindi kayo nag-iisa at available ang libreng legal at pinansyal na tulong!

Mag-apply sa San Francisco Emergency Rental Assistance Program (SF ERAP) sa lalong madaling panahon.  Bisitahin ang aming page na mga sanggunian ng relief sa pagrenta para humingi ng tulong.

Kung napatawan kayo ng isang abiso sa eviction o ng kaso, makipag-ugnayan kaagad sa Eviction Defense Collaborative para matulungan kayo sa legal na proseso: tumawag sa 415-659-9184, mag-email sa legal@evictiondefense.org, o bumisita nang personal sa 1338 Mission Street (Lunes, Miyerkules at Biyernes, 10-11:30 am at 1-2:30 pm).

Last updated September 16, 2021