Humingi ng tulong para sa iyong negosyo pagkatapos ng sunog

Alamin kung anong mga resource ang makukuha ng mga negosyo pagkatapos ng malaking sunog, kasama ang isang grant para sa Tulong dahil sa Sunog na hanggang $10,000.

Anong gagawin

2. Suriin kung kwalipikado ang iyong negosyo para sa grant para sa Tulong dahil sa Sunog

Inyong negosyo:

  • Dapat ay nakarehistro sa San Francisco
  • Nagtamo ng mga pisikal na pinsala mula sa sunod sa loob ng nakalipas na 12 buwan
    • Hindi puwedeng kasalanan ng negosyo ang sunog
  • Ang pinsala ay dapat nasa permanente at pisikal na lokasyon sa San Francisco
    • Hindi karapat-dapat ang mga mobile na negosyo
    • Hindi kwalipikado ang mga negosyong nakabase sa bahay
      • Kabilang dito ang pamamahala ng mga residensyal na pinaparentahang ari-arian
  • Dapat naglalayong magbukas ulit o lumipat sa San Francisco
  • Kwalipikado ang mga nonprofit
  • Dapat ay may $5 milyon o mas mababa sa kabuuang kita
  • Dapat ay may kasalukuyang average na 100 o mas kaunting empleyado

3. Mag-request ng aplikasyon

Makipag-ugnayan sa Opisina ng Maliliit na Negosyo para mag-request ng kopya ng form ng aplikasyon sa 415-554-6134sfosb@sfgov.org.

Aabutin ng humigit-kumulang 20 minuto ang pagsagot sa aplikasyon kung nakahanda na ang lahat ng iyong kagamitan. Available ito bilang online na form, nasasagutang PDF, o naka-print.

Patuloy na sinusuri ang mga aplikasyon habang mayroon pang pondo. Ipapaalam namin sa inyo ang katayuan ng inyong aplikasyon sa loob ng dalawang linggo mula noong maisumite ang inyong kumpletong aplikasyon.

1. Alamin ang tungkol sa iyong mga opsyon

Bilang karagdagan sa grant para sa Tulong dahil sa Sunog, matutulungan ka ng Opisina ng Maliliit na Negosyo na i-access ang:

  • Pagpapayo sa negosyo
  • Mga referral sa mga espesyalistang tagapayo
  • Mga loan na may mababang interes
  • Tulong sa paglilipat at/o lease
  • Tulong sa pagkuha ng permit

Makipag-ugnayan sa Opisina ng Maliliit na Negosyo para talakayin ang iyong mga pangangailangan at opsyon.

Higit pa tungkol sa Grant para sa Tulong dahil sa Sunog

Nagbibigay ang programang ito ng mga grant na hanggang $10,000 sa maliliit na negosyong napinsala ng sunog na hindi nila kasalanan. Available ang mga grant sa mga kwalipikadong negosyo sa first-come-first-serve na batayan, batay sa availability ng pondo.

Humingi ng tulong

Phone

Last updated August 15, 2023