Gawin ang census

Puwede mong gawin ang census online o sa pamamagitan ng telepono.

Anong gagawin

1. Ihanda ang iyong impormasyon

Sasagot ka ng ilang tanong sa census: 

  • Ilang tao ang nakatira o namamalagi sa address?

  • Nirerentahan o pag-aari ba ninyo ang inyong bahay?

  • Iyong numero ng telepono

  • Iyong pangalan at apelyido 

  • Iyong kasarian

  • Iyong edad at petsa ng kapanganakan

  • Iyong etnisidad at lahi 

Ang mga taong na ito ay para sa "may-ari ng bahay." Magsasagot ang may-ari ng bahay ng impormasyon sa census para sa lahat ng kamag-anak na nakatira kasama nila.

2. Gawin ang census online

Gawin ang iyong census survey online mula Marso hanggang Oktubre 31, 2020. 

Ang Kawanihan ng Census (Census Bureau) ay inaatasan ng batas na protektahan ang iyong personal na impormasyon. Kumpidensyal ang iyong personal na impormasyon. 

Ano ang census?

Kapag nakibahagi ang lahat ng census, nakukuha ng San Francisco ang patas nitong bahagi ng mga pederal na resource. Matuto pa tungkol sa 2020 Census

Bakit mahalaga ang pagsasagawa sa census

Nagbibigay ang census ng pederal na pondo sa San Francisco. Ang perang iyon ay napupunta sa mga paaralan, ospital, kalsada, at iba pang serbisyong panlipunan na nagbibigay-daan para mas maging magandang lugar na tirahan ang ating lungsod.

Humingi ng tulong

Humanap ng Census Help Center sa San Francisco

Gawin ang census

Last updated June 30, 2022