Pagresponde ng Basic Life Support vehicle
Ang San Francisco ay may tatlong tagapagbigay ng medikal na emergency:
- San Francisco Fire Department
- American Medical Response
- King American
Ang mga responder sa Basic Life Support (BLS) ay nagbibigay ng pangangalagang nagliligtas-buhay gaya ng CPR. Ang Emergency Medical Services Agency (EMSA) ay may policy goal na ang isang sasakyang BLS ay dapat dumating sa pinangyarihan sa loob ng apat at kalahating minuto mula nang ipadala ito sa 90% ng mga kaso. Ipinapakita ng dashboard sa ibaba ang porsyento ng mga pagresponde ng BLS na nakaabot sa policy goal. Ang orange na line ay dapat na kapantay o mas mataas pa sa asul na goal line para matugunan ang layunin.
Pagresponde ng Ambulance Code 3 vehicle
Ang mga tawag na Code 3 ay mga tawag sa 911 na may sangkot na panganib sa buhay. Sinasabi sa policy goal na dapat dumating sa pinangyarihan ang ambulansya sa loob ng sampung minuto mula nang ipadala ito sa 90 porsiyento ng mga kaso. Ipinapakita ng dashboard sa ibaba ang porsyento ng mga tawag sa code 3 na nakamit ang layuning ito. Ang orange na line ay dapat na kapantay o mas mataas pa sa asul na goal line para matugunan ang layunin.
Pagresponde ng Ambulance Code 2 vehicle
Ang mga tawag na Code 2 ay mga tawag sa 911 na walang sangkot na panganib sa buhay. Sinasabi sa policy goal na dapat dumating sa pinangyarihan ang ambulansya sa loob ng 20 minuto mula nang ipadala ito sa 90 porsiyento ng mga kaso. Ipinapakita ng dashboard sa ibaba ang porsyento ng mga tawag sa code 2 na nakamit ang layuning ito. Ang orange na line ay dapat na kapantay o mas mataas pa sa asul na goal line para matugunan ang layunin.