Mga pagkakaospital dahil sa COVID-19

Mga kaso ng COVID-19 na naospital sa mga acute care at intensive care unit sa San Francisco.

On 5/1/2024, hospitalization data reporting will change from mandatory to optional for all hospitals nationwide. We will be pausing the refresh of the underlying data beginning 5/2/2024.

Ang mga pagkakaospital dahil sa COVID-19 ay mahalagang tagasaad ng pagkalat at lala ng COVID-19 sa San Francisco.  

Kabuuang bilang ng kaso ng naospital dahil sa COVID-19

Kabilang sa mga pagkakaospital ang lahat ng pasyente sa ospital na nasuring may COVID-19. 

Ipinapakita namin sa dashboard na ito ang mga pasyenteng may COVID-19 sa mga acute care at intensive care unit. Ginagamot ng mga acute care unit ang mga pasyenteng may karamdaman at pinsala kasama ang mga nagpapagaling mula sa mga operasyon. Ginagamot ng mga intensive care unit ang mga pasyenteng nangangailangan ng mga kritikal at pansuporta sa buhay na mga serbisyo.

mga tala ng data at mapagkukunan

mga tala ng data at mapagkukunan

View source data

Nangongolekta kami ng data ng pagkakaospital para sa mga pasyenteng may COVID-19 mula sa mga sistema ng ospital sa San Francisco. Nakabatay ang data sa sariling pag-uulat ng ospital at posibleng hindi ito kumpleto. Posibleng ma-update ang data para sa mga nakaraang linggo habang may karagdagang impormasyon na nagiging available. Ipinapakita ng column na "Percent of hospitals reporting" (Porsyento ng mga ospital na nag-uulat) ang porsyento ng mga ospital na nag-ulat ng data bawat araw. Kung 100% ang ipinapakita ng "Percent of hospitals reporting" (Porsyento ng mga ospital na nag-uulat), ibig sabihin, lahat ng ospital sa SF ay nagsumite ng data. Kung mas mababa sa 100% ang "Percent of hospitals reporting" (Porsyento ng mga ospital na nag-uulat), may kulang kaming data mula sa isa o higit pang ospital.  

Nangongolekta kami ng data ng pagkakaospital para sa mga pasyenteng may COVID-19 mula sa mga sistema ng ospital ng San Francisco. Ito ang mga ospital na kasama sa data na ito:  

  • Chinese Community Hospital 

  • Mga ospital ng Dignity (Saint Francis & St. Mary’s) 

  • Kaiser Hospital 

  • Mga ospital ng Sutter (CPMC) 

  • Mga ospital ng UCSF 

  • Zuckerberg San Francisco General Hospital 

  • Veteran's Affairs (SFVA) Hospital

  • Laguna Honda

  • Kentfield Hospital

Kasama sa mga kabuuan ng pasyente ang mga residente at hindi residente ng San Francisco.