Sinusuri at sinusubaybayan namin ang data ng COVID-19 sa mga paaralan upang matiyak na ligtas tayong muling magbubukas.
Ang data na ito ng COVID-19 ay para sa buong taon ng paaralan 2020-2021. Kabilang dito ang lahat ng kaso ng COVID-19 sa mga paaralan ng San Francisco. Kabilang dito ang Transitional Kindergarten hanggang ika-12 baitang.
Mga kaso at transmisyon sa paaralan
Mula Setyembre 23, 2020 hanggang Hunyo 11, 2021, may 175 kaso sa 47,615 mag-aaral o tauhan. Sa 175 kasong ito, 7 ang mga pagkakataon na pinaghihinalaang transmisyon sa paaralan. Ang ibig sabihin ng transmisyon sa paaralan ay nagkaroon ng COVID-19 ang isang mag-aaral o guro habang nasa paaralan.
Ang karamihan sa mga kaso sa mga mag-aaral o tauhan ay hindi resulta ng transmisyon sa paaralan. Ang karamihan sa mga kaso ay nahawa ng COVID-19 sa kanilang pamilya o komunidad sa labas ng paaralan.
Sinimulang muling buksan ng Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng San Francisco (San Francisco Unified School District, SFUSD) ang mga paaralan noong Abril 12, 2021.
Kaligtasan ang pangunahing priyoridad sa mga paaralan
Dapat sundin ng lahat ng paaralan na bukas para sa in-person na pag-aaral ang lahat ng patnubay sa pampublikong kalusugan. Tinitiyak nitong ligtas na magbubukas ang mga paaralan ng San Francisco hangga't maaari. Kasama sa patnubay na ito ang mga partikular na pamamaraan sa bentilasyon, mga pantakip sa mukha, physical distancing, at marami pang iba. Kung may mga sintomas o magpositibo sa COVID-19 ang sinuman sa paaralan, ang paaralan ay dapat:
-
Tiyaking mag-quarantine ang mga nalantad na tauhan at mag-aaral
-
Magbigay ng alerto sa Lungsod
Idinodokumento at sinisiyasat ng Lungsod ang bawat kaso. Matuto pa sa website ng Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco.
Matuto pa
Magbasa pa tungkol sa mga paaralan sa panahon ng COVID-19: