Anong gagawin
1. Hanapin ang distrito ng zoning ninyo
Bago ninyo buuin ang inyong karatula, kakailanganin ninyong alamin ang mga partikular na patakaran sa karatula na naaangkop sa distrito ng zoning ninyo.
Gamitin ang mapa ng impormasyon sa pag-aari para mahanap ang distrito ng zoning ng gusali ninyo.
Maghanap gamit ang inyong address o block at lot number.
Piliin ang "Impormasyon ng Zoning" sa listahan sa kaliwang menu.
Tutukuyin ng "Distrito ng Zoning" ninyo ang mga patakaran sa karatula na dapat ninyong sundin.
2. Tingnan ang mga patakaran sa distrito ng zoning ninyo
Hanapin ang mga partikular na patakarang dapat ninyong sundin sa distrito ng zoning ninyo.
- Mga residential (RH or RM) na distrito
- Mga komersyal at industriyal (C o M) na distrito
- Mga distrito para sa paggamit ng publiko (P)
- Mga residential commercial at neighborhood commercial (RC, NC, o NCT) na distrito
- Mga NC-1 at NCT-1 na distrito
- Mga RC, NC-2, NCT-2, NC-S na distrito at mga pinangalanang neighborhood-commercial na distrito
- Mga Mission Street NCT, NC-3, at NCT-3 na distrito
- Mga mixed use (MUO) na distrito
- Residential neighborhood commercial na distrito sa Chinatown
- Distrito ng retail para sa bisita sa Chinatown
- Iba pang mga mixed use na distrito (kasama ang Chinatown Community Business District, Eastern Neighborhoods, South of Market Mixed Use Districts, at ang Downtown Residential Districts)
- Mga gasolinahan ng kotse
Espesyal na mga kaso
Mga makasaysayang distrito
Mga makasaysayang distrito
Sa mapa ng impormasyon sa pag-aari, piliin ang "Historic Preservation" sa listahan sa kaliwang menu ng mapa ng impormasyon sa pag-aari.
Kung ang inyong property ay sumasailalim sa Artikulo 10 o Artikulo 11, mangangailangan kayo ng pagsusuri para sa pagpepreserba ng kasaysayan.
I-email ang pic@sfgov.org para makausap ang isang planner ng pagpepreserba ng kasaysayan.
Humingi ng tulong
Planning Information Counter
Last updated April 21, 2023