Maging boluntaryo para sa emergency

Ang mga malusog na nasa hustong gulang o mga medikal na propesyonal ay makakatulong sa Lungsod para rumesponde sa pandemya ng coronavirus.

Anong gagawin

Magboluntaryo sa lugar ng pagbabakuna (walang kinakailangang karanasan sa pangangalagang pangkalusugan)

Tumulong sa pagsuporta at pamamahala ng mga lugar ng pagbabakuna na may mataas na dami, pangkomunidad na klinika, at mobile na team sa pagbabakuna. Kakailanganin ang mga boluntaryo na:

  • Mangasiwa sa daloy, mga linya, at pisikal na pagdistansya ng pasyente
  • Sumuporta sa staff ng pangangasiwa sa mga desk para sa pagpaparehistro
  • Tumulong sa staff sa paglilinis at pag-stock ng mga istasyon sa pagbabakuna
  • Sumuporta sa edukasyon ng pasyente: mamahagi ng mga pamphlet, sumagot sa mga tanong, o idirekta ang mga tanong sa klinikal na staff

Handa dapat ang mga klinikal na boluntaryo na gumawa ng ilang hindi klinikal na tungkulin bukod sa pagturok ng mga bakuna.

Ang aming pinakamataas na priyoridad ay ang mag-recruit ng mga boluntaryo na maaaring magtrabaho ng kahit isang buong araw lang sa isang linggo para sa minimum na 4 na linggo. Lubos na kinakailangan ang mga bilingual na boluntaryo.

Mapares sa isang nakakatandang nangangailangan sa pamamagitan ng Mon Ami

Nakipag-partner ang San Francisco sa isang lokal na kumpanya, ang Mon Ami. Ipinapares ang mga boluntaryo sa mga mas nakakatandang kailangang manatili sa bahay. Matutulungan mo sila sa mga grocery, mga bilin, o kahit na sa isang masayang tawag lang sa telepono.

Isi-screen ang mga boluntaryo at magkakaroon sila ng pagsusuri sa background. Dapat silang sumunod sa mga pampublikong alituntunin sa kalusugan.

Maaari ka ring humiling ng tulong para sa iyong sarili o ibang tao.

Sumali sa programang Emergency Response Volunteer

Nakipag-partner ang San Francisco at ang Shanti Project para gawin ang programang COVID-19 Emergency Response Volunteer (CERV). Tinutulungan ng mga boluntaryo ang mga taong kailangang manatili sa bahay sa panahon ng outbreak ng coronavirus. Nagbibigay sila ng isang beses o paminsan-minsang suporta sa mga mas nakakatanda at bulnerableng populasyon.

Mga halimbawa ng suportang maaaring ibigay ng mga boluntaryo ng CERV:

  • Pamimili ng grocery
  • Paghahatid ng gamot at iba pang mahahalagang bagay
  • Pagtulong sa pagtapon ng basura
  • Pag-pick up ng ipinadala sa koreo

Nasa magandang kalusugan dapat ang mga boluntaryo at dapat ay wala pa sila sa 60 taong gulang.

Para mag-sign up, mag-email sa helpnow@shanti.org o tumawag sa (415) 674-4701.

Makakatanggap ng pagsasanay ang lahat ng boluntaryo at dapat silang sumunod sa utos na manatili sa bahay at social distancing ng San Francisco.

Maging boluntaryo para sa food pantry at pamamahagi ng pagkain

Ang Emergency Volunteer Center ng San Francisco ay kasalukuyang naghahanap ng mga boluntaryong nasa hustong gulang (18 taong gulang pataas) para matiyak na may access sa pagkain ang lahat ng residente ng San Francisco.

Maaaring kasama sa mga tungkulin ng boluntaryo ang pagbubukod-bukod, paghahanda, packaging, pamamahagi, at paghahatid ng pagkain.

Para sa mga medikal na propesyonal

Naghahanap ang Departamento ng Pampublikong Kalusugan (Department of Public Health o DPH) ng San Francisco ng mga may lisensyang medikal na propesyonal para magboluntaryo sa mga pagsisikap sa pagresponde sa COVID-19 ng DPH. Kakailanganin ang mga boluntaryo para masuportahan ang DPH sa iba't ibang tungkulin sa pangangalagang pangkalusugan.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkakataong ito, mag-email sa DHR-EVC@sfgov.org.

Hinihikayat ang lahat ng may lisensyang medikal na propesyonal na magparehistro.

Last updated May 19, 2023