Anong gagawin
Susuriin ng SF Women’s Entrepreneurship Fund ang mga aplikasyon at ipapamahagi nito ang magagamit ng pondo.
1. Alamin kung kwalipikado ang iyong negosyo
Ang iyong negosyo ay dapat:
-
Isang for-profit na negosyo
-
May hanggang 5 empleyado
-
Tumatakbo bago ang o mula pa noong Setyembre 16, 2019
-
Nagkaroon ng wala pang $2.5 milyong gross na taunang kita noong 2018 o 2019
-
Nagkaroon ng 25% pagbaba ng kita dahil sa pagsasara o paghina ng mga pagpapatakbo sa panahon ng outbreak ng coronavirus
-
Sumunod sa public health order na Manatili sa bahay at sa gabay para sa mga negosyo.
-
Isang hindi mahalagang negosyo o negosyo sa family child care. Tingnan kung mahalaga ang iyong negosyo.
2. Ihanda ang iyong mga dokumento
Kakailanganin mong i-upload ang mga dokumentong ito para makapag-apply:
- Napunan at nalagdaang W-9
- Lisensya sa negosyo at pagpaparehistro ng negosyo sa SF
- Plano sa muling pagbubukas o pagbawi ng iyong negosyo
Kakailanganin mong patunayan ang 25% pagbaba ng kita sa loob ng 30 araw na panahon sa 2020 kumpara sa 2019. Puwede kang magsumite ng mga bank statement, dokumento ng buwis, o ulat mula sa iyong accounting software o point of sale system.
Kakailanganin mong i-download ang aming template ng plano sa muling pagbubukas at punan ito para sa iyong negosyo. Kapag nag-apply ka para sa mini-grant, ia-upload mo ang iyong plano.
3. Simulan ang iyong aplikasyon
Tatanungin ka namin tungkol sa iyong pagkakakilanlan, mga detalye ng iyong negosyo, at epekto ng coronavirus sa iyong negosyo.
4. Kung makakakuha ka ng mini grant
Kakailanganin mong sumang-ayon na mag-enroll sa hindi bababa sa 2 oportunidad sa virtual na pagkatuto na sumusuporta sa iyong negosyo.
Magtatalaga kami ng business coach na makikipagtulungan sa iyo. Kapag nakuha mo ang grant, ikaw at ang iyong coach ay dapat magkaroon ng plano sa muling pagbubukas o pagbawi. Dapat ka ring makipagtulungan sa coach para maisadokumento ang epekto ng grant na ito.
Iba pang grant
Mayroon din kaming pondo sa mini-grant para sa mga maliit na negosyo sa komunidad. Sa iisang mini-grant lang puwedeng mag-apply ang mga negosyong pag-aari ng babae sa mga komunidad na ito.
Last updated January 21, 2022