Ngayong kapaskuhan, mahalaga ang ating mga pipiliin
"Babangon ang San Francisco mula sa pandemic na ito, pero ang kalagayan at kung gaano kabilis ang pagbangon ay nakasalalay sa atin. Ang ating mga indibidwal na pagkilos para kontrolin ang pagkalat ng virus, pagsuporta sa ating maliliit na negosyo, at pagtulong sa ating mga kapitbahay na nangangailangan ay ang pangunahin sa pagbangon ng ating Lungsod mula sa pandemic. Sa pamamagitan ng sama-samang pagharap sa hamon na ito, mapoprotektahan at mabubuo ulit natin ang minamahal nating Lungsod." - Alkalde London N. Breed
Suportahan ang minamahal mong Lungsod
Tangkilikin ang lokal
Mga maliit na negosyo ang nagbibigay-buhay sa ating Lungsod. Ngayon, higit kailanman, kailangan nila ang tulong mo. Maghanap ng mga paraan na masusuportahan mo ang mga lokal na negosyo ngayong kapaskuhan.
Ipagdiwang ang kapaskuhan sa bahay
Hindi ito normal na kapaskuhan Alamin kung paano gagawing mas ligtas ang kapaskuhan, para magawa na nating makasama ang ating mga mahal sa buhay sa lalong madaling panahon.
Magdiwang ng mas ligtas na kapaskuhan sa panahon ng pandemic
Tumulong sa mga kapitbahay
Naka-mobilize ang ating Lungsod para matiyak na mayroon ng kailangan nila ang lahat ng San Franciscan. Ang kapaskuhan ay panahon para doblehin ang iyong pagsisikap. Humanap ng mga paraan kung paano ligtas na masusuportahan ang iyong mga kapitbahay.