Para sa karamihan ng mga taga-California, ang pagkakaroon ng isang kriminal na kasaysayan ay hindi nangangahulugan ng pagkawala ng karapatang bumoto. Sagutan ang aming pagsusulit upang malaman kung elihible kayong bumoto at magbasa pa para matutunan kung paano magparehistro.
Hindi makakaapekto sa inyong karapatang bumoto ang pagiging nasa alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Nasa lokal na kulungan:
- Nagsisilbi ng sentensiya para sa kasong misdemeanor (maliit na paglabag sa batas)
- Nagsisilbi ng panahon sa kulungan bilang kondisyon ng probasyon
- Nagsisilbi ng sentensiya sa kulungan dahil sa peloni
- Naghihintay ng paglilitis
- Naka-parole o probasyon
- Naka-mandatory supervision (nasa ilalim ng ipinag-uutos na pamamahala)
- Naka-post-release community supervision (pamamahala ng county probation matapos makalaya)
- Naka-federal-supervised release (paglayang nasa pederal na pamamahala)
- Nakatanggap na ng juvenile wardship adjudication (pagpasya ng hukom sa legal na awtoridad ng korte na tumayo bilang magulang o tagapatnubay ng isang bata)
Ang inyong kriminal na kasaysayan ay makaaapekto lamang sa inyong karapatang bumoto kung kayo ay kasalukuyang nagsisilbi ng termino sa pang-estado o pampederal na bilangguan para sa hatol na felony.
Paano magparehistro para makaboto
Kung kayo ay elihible, puwede kayong magparehistrong bumoto o mag-update ng inyong rekord bilang botante sa registertovote.ca.gov. Maaari din kayong makakuha ng papel na form sa alinmang lugar ng botohan o aklatan at sa karamihan ng tanggapan ng gobyerno.
Ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante para sa Nobyembre 5 na eleksyon ay sa Oktubre 21. Ngunit ang deadline na ito ay para sa mga aplikasyon na ginawa online o sa pamamagitan ng koreo. Kung hindi kayo umabot sa deadline at nais ninyong bumoto sa susunod na eleksyon, maaari pa rin ninyong gawin ito nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa isang lugar ng botohan.
Mga serbisyo para sa mga nasasangkot sa sistema ng hustisya
Nakikipagtulungan kami sa Prisoner Legal Services para matulungang makaboto ang mga taga-San Francisco na kasangkot sa sistema ng hustisya. Kabilang sa ilang serbisyong inaalok namin ang mga sumusunod:
- Pagtulong sa mga indibidwal na matukoy kung sila ay elihibleng bumoto
- Paghahatid ng mga balota at iba pang opisyal na materyales sa mga botante sa kulungan
- Pagtulong sa mga tao na magparehistro upang bumoto pagkalabas nila sa bilangguan
Makipag-ugnayan sa Prisoner Legal Services sa 415-558-2472 kung nais ninyong matuto pa.
Humingi ng tulong
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Phone
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Last updated April 3, 2024