Saan makakukuha ng form ng pagpaparehistro
Puwede kayong magparehistrong bumoto o mag-update ng inyong rekord bilang botante sa registertovote.ca.gov. Maaari din kayong makakuha ng papel na form sa alinmang lugar ng botohan o aklatan at sa karamihan ng tanggapan ng gobyerno.
Pagbibigay ng lokasyon ng tirahan
Upang magparehistro, ilagay ang lugar kung saan ninyo ginugugol ang karamihan ng inyong oras bilang inyong address ng tahanan sa form ng pagpaparehistro. Halimbawa, maaari kayong maglagay ng mga interseksyon ng kalsada, isang lokal na parke, o kanlungan. Gagamitin namin ang impormasyong ito upang matukoy ang inyong pagbobotohang mga distrito at lugar ng botohan.
Pagbibigay ng address pang-koreo
Kapag naglagay kayo ng address pang-koreo sa inyong form ng rehistrasyon, ipadadala namin ang inyong balota sa address na iyon.
Mga opsiyon sa pagboto
Nagpapadala kami ng mga balota sa lahat ng lokal na botante humigit-kumulang isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon. Maaari ninyong ibalik ang inyong balota sa pamamagitan ng koreo gamit ang isang sobre na bayad na ang selyo. Maaari din ninyong ibalik nang personal ang inyong balota.
Kung hindi kayo nakatatanggap ng koreo, maaari ninyong kunin ang inyong mga materyales sa pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall o bumoto nang personal.
Ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante para sa Nobyembre 5 na eleksyon ay sa Oktubre 21. Ngunit ang deadline na ito ay para sa mga aplikasyon na ginawa online o sa pamamagitan ng koreo. Kung hindi kayo umabot sa deadline at nais ninyong bumoto sa susunod na eleksyon, maaari pa rin ninyong gawin ito nang personal sa Sentro ng Botohan sa City Hall o sa isang lugar ng botohan.
Humingi ng tulong
Department of Elections
1 Dr. Carlton B. Goodlett PlaceCity Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102
Phone
Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386
中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310
Last updated April 3, 2024